Signal No. 2 idineklara sa 9 na lugar dahil kay 'Egay'
MANILA, Philippines (12:45 p.m.) — Lalo pang tumindi ang Typhoon Egay habang posible itong mag-landfall o 'di kaya'y lumapit nang husto sa Babuyan Islands-Batanes area sa Martes.
Huling namataan ang gitna ng bagyo 525 kilometro silangan ng Baler, Aurora ngayong Lunes, ayon sa taya ng PAGASA.
Lakas ng hangin: 150 kilometro kada oras malapit sa gitna
Bugso ng hangin: hanggang 185 kilometro kada oras
Direksyon: pakanluran
Pagkilos: mabagal
"EGAY is forecast to continue intensifying and reach super typhoon category by late tomorrow or on early Wednesday," ayon sa state weather bureau kanina.
"However, should the track forecast shift closer to the landmass of Luzon, the typhoon may peak at an intensity just below STY threshold. Nevertheless, EGAY is forecast to become a very strong typhoon."
Posibleng mag-landfall o lumapit sa Babuyan Islands-Batanes bukas ng gabi o Miyerkules ng umaga. Hindi rin tinatanggal ngayon ang posibilidad na sumalpok ang bagyo sa mainland Cagayan.
Nakikita ang nasa 50-100 millimeter na pag-ulan sa mga bahagi ng Cagayan, Catanduanes, Camarines Sur, Camarines Norte, at hilagang bahagi ng Sorsogon ngayong araw hanggang bukas.
Malakas na hangin, Habagat
Itinaas naman ang ilang Tropical Cyclone Wind Signals sa ilang bahagi ng Pilipinas dulot ng bagyo.
Signal No. 2
- Catanduanes
- Gitna at silangang bahagi ng Isabela (Palanan, Dinapigue, Santo Tomas, Cabagan, Tumauini, San Pablo, Maconacon, Santa Maria, Quezon, Delfin Albano, Mallig, Quirino, Roxas, Burgos, Ilagan City, Divilacan, San Mariano, Gamu, Naguilian, Benito Soliven, City of Cauayan, Reina Mercedes, Luna, San Manuel, Aurora, Cabatuan, San Guillermo, Echague, Jones, Angadanan, Alicia, San Mateo, San Isidro, San Agustin)
- Silangang bahagi ng Albay (Rapu-Rapu, Bacacay, City of Tabaco, Malilipot, Malinao, Tiwi)
- Silangang bahagi ng Camarines Sur (Caramoan, Presentacion, Garchitorena, Lagonoy, San Jose, Sagñay)
- Silangang bahagi ng Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan)
- Silangang bahagi ng Quirino (Maddela)
- Silangan at gitnang bahagi ng Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Lal-Lo, Santa Teresita, Buguey, Gattaran, Baggao, Peñablanca, Amulung, Alcala, Iguig, Tuguegarao City, Solana, Enrile)
- Hilagang bahagi ng Camarines Norte (Calaguas at Maculabo Islands)
- Hilagangsilangang bahagi ng Northern Samar (Laoang, Palapag)
Magdadala ito ng gale-force winds at "minor to moderate threat to life and property" sa lugar, ayon sa PAGASA.
Signal No. 1
- Sorsogon
- Nalalabing bahagi ng Albay
- Nalalabing bahagi ng Camarines Sur
- Nalalabing bahagi ng Camarines Norte
- Nalalabing bahagi ng Isabela
- Nalalabing bahagi ng Cagayan kasama ang Babuyan Islands
- Apayao
- Abra
- Kalinga
- Mountain Province
- Ifugao
- Nalalabing bahagi ng Quirino
- Nueva Vizcaya
- Batanes
- Masbate, kasama ang Ticao Island
- Burias Island
- Quezon, kasama ang Pollilo Islands
- Nalalabing bahagi ng Aurora
- Benguet
- Ilocos Sur
- Ilocos Norte
- La Union
- Nueva Ecija
- Pangasinan
- Tarlac
- Zambales
- Bulacan
- Pampanga
- Bataan
- Marinduque
- Cavite
- Metro Manila
- Rizal
- Laguna
- Silangan at gitnang bahagi ng Romblon (Banton, Corcuera, Romblon, Magdiwang, Cajidiocan, San Fernando)
- Hilaga at gitnang bahagi ng Batangas (Calaca, Cuenca, Taysan, Lian, Tuy, Balayan, Talisay, Padre Garcia, Agoncillo, Santo Tomas, San Jose, Lemery, Lipa City, Ibaan, City of Tanauan, Mataasnakahoy, Alitagtag, Balete, Nasugbu, San Juan, San Nicolas, Rosario, Laurel, Santa Teresita, Taal, Malvar)
- Eastern Samar
- Nalalabing bahagi ng Northern Samar
- Samar
- Biliran
- Hilaga at gitnang bahagi ng Leyte (Tunga, Pastrana, San Miguel, Mahaplag, Matag-Ob, Tolosa, Palo, Calubian, Leyte, Mayorga, Julita, Carigara, Babatngon, Dagami, Jaro, Abuyog, San Isidro, Santa Fe, Albuera, Villaba, La Paz, Palompon, Macarthur, Tabontabon, Tanauan, Merida, Ormoc City, Isabel, Javier, Dulag, Capoocan, Alangalang, City of Baybay, Burauen, Tabango, Tacloban City, Kananga, Barugo)
- Hilagang bahagi Cebu (Daanbantayan, Medellin) kasama ang Bantayan Islands, Camotes Islands
Maaaring palakasin din ng bagyong "Egay" ang Hanging Habagat na siyang magdadala ng mga pag-ulan sa kanlurang bahagi ng Central Luzon, Timog Luzon at Visayas sa susunod na tatlong araw.
Tinatayang lalabas ang bagyo ng Philippine area of responsibility sa Huwebes habang tinutumbok nito ang mga katubigan ng timogkanlurang Taiwan.
- Latest
- Trending