^

Bansa

13-anyos na Pinay itinutulak para maging 'pinakabatang santa'

James Relativo - Philstar.com
13-anyos na Pinay itinutulak para maging 'pinakabatang santa'
Litrato ng 13-anyos na si Niña Ruiz-Abad
Released/Diocese of Laoag

MANILA, Philippines — Itutulak ngayon ng isang Philippine diocese ang masalimuot na proseso patungong "canonization" ng isang Filipina teenager upang maging ganap na santo sa ilalim ng Simbahang Katolika —isa sa pinakabata sa kasaysayan kung nagkataon.

Sa ulat ng CBCP News nitong Miyerkules, sinabi ni Bishop Renato Mayugba mula Laoag, Ilocos Norte na nagpakita ng "kakaibang pag-uugali at gawi" si Niña Ruiz-Abad, isang 13-anyos na namatay sa hypertrophic cardiomyopathy. Isa itong uri ng sakit sa puso na hindi napapagaling.

"During her time, it is unusual that a young girl had already done acts to evangelize others," ani Mayugba.

"Niña’s life was a prayerful life full of reverence, worship and intimate relationship with God, Jesus Christ, the Holy Spirit and to the Blessed Virgin Mary."

Maliban sa "acts of charity," matindi raw ang debolusyon ng bata sa Yukaristiya at inilaan ang kanyang buhay sa pamimigay ng rosaryo, biliya, prayer books, atbp. relihiyosong gamit.

Kilala rin si Niña sa palagiang pagsusuot ng rosaryo sa leeg maliban pa sa puting palda.

Iprinesenta na tuloy ni Mayugba sa mga obispo sa plenary assembly ng episcopal conference ng Diocese of Kalibo ang mungkahi para buksan ang proseso ng sainthood para kay Abad.

Paano ba maging santo o santa?

Ang proseso ng pagkasanto ay kadalasa'y hindi pwedeng magsimula bago ang ikalimang taon ng pagkamatay ng isang tao. 

Dahil sa pag-apruba ng mga obispo, nabuksan na ang imbestigasyon sa buhay ng bata. Posible itong umabot ng ilang taon bago ang posibleng desisyon mula sa Roma pagdating sa kanyang potensyal na beatification at canonization.

Kabilang sa mga inisyal na hakbang ay ang pagkalap ng impormasyon tungkol sa kandidato at pagpanayam sa mga saksing nakakikilala sa nabanggit.

Sa pananampalatayang Katoliko, ang mga santo ay isang taong kinikilala bilang may kakaibang antas ng kabanalan o pagkalapit sa Panginoon.

Kinikilala ng Roman Catholic Church si San Lorenzo Ruiz bilang unang Pilipinong santo, bagay na sinundan naman ni San Pedro Calungsod.

Sino ba si Abad?

Si Abad ay anak ng mag-asawang abogado mula sa Sarrat, Ilocos Norte. Ipinanganak siya at lumaki sa Lungsod ng Quezon City dahil sa trabaho ng mga magulang kasama ng nag-iisa niyang kapatid na si Mary Anne.

Abril 1988 nang lumipat sila ng Sarrat kung saan naging chief hearing officer ng Commission on the Settlement of Land Problems ng Department of Justice ang kanyang ina.

Nagtapos si Niña ng elementarya nang nangunguna sa kanyang klase at nagpatuloy ng kanyang unang taon sa hayskul sa Mariano Marcos State University Laboratory School. Lumipat siya ng College of the Holy Spirit sa QC noong Hunyo 1993.

Binawian siya ng buhay noong ika-16 ng Agosto ng parehong taon nang atakihin siya sa puso habang nasa paaralan. Isinugod siya sa ospital ngunit hindi na nabuhay.

Inuwi ang kanyang mga labi sa Ilocos Norte at inilagak sa isang pampublikong sementeryo sa Laoag.

"Knowing Niña’s character and traits and her strong faith in God will serve as a guide to the youth in handling their affairs towards a better Christian life," ani Mayugba.

"If one asks, ‘Do you know Niña Ruiz Abad?’ The answer would be, ‘That’s the girl who always wore a rosary. The girl who loved to pray. The girl who loves God so much."

CANONIZATION

CATHOLIC CHURCH

ILOCOS

LAOAG

SAINT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with