^

Bansa

Sen. Bong Go inayudahan mga mahihirap na residente sa Aklan

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — “Ibigay natin ang serbisyong para sa Pilipino.”

Ito ang winika ni  Senator Christopher “Bong” Go sa isang  video message habang isinasagawa ang  relief operation ng kanyang grupo sa mahihirap na pamilya sa Tangalan, Aklan, noong Biyernes.

Sinabi ni Sen. Go, chair ng Senate Committee on Health and Demography, na bibigyan niya ng prayoridad ang pagpapabuti ng dekalidad na pangangalaga sa kalusugan ng bansa lalo na sa malalayong lugar.

Hinikayat nito ang mga mahihirap na pamilyang Pilipino na bisitahin ang isa sa 158 Malasakit Centers sa bansa upang maranasan nila ang medical assistant program ng pamahalan.

Maaaring bisitahin ng mga residente ang Malasakit Center na matatagpuan sa Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital in Kalibo.

Ang Malasakit Center ay isang “one-stop shop” na ang layunin, ang pagtulong sa mga  mahihirap na pasyente  na kung saan  ay matatagpuan din ang iba’t ibang ahensiya ng gobyerno tulad ng DSWD, DOH, PhilHealth at PCSO.

“Ano ang qualification sa Malasakit Center? Basta Pilipino ka, poor and indigent patient ka, qualified ka sa Malasakit. Meron na po tayong 158 Malasakit Centers sa buong bansa. Lapitan niyo ang Malasakit Center para ‘yan sa mga Pilipino,” wika ni Go.

AKLAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with