ICC itutuloy 'drug war' probe matapos uli iitsapwera apela ng Marcos Jr. admin
MANILA, Philippines — Itutuloy ng International Criminal Court ang imbestigasyon nito sa "crimes against humanity" na nangyari noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte atbp. administrasyon, hakbang na tinututukan ng mga naulilang pamilya ng madugong gera kontra droga.
Lumabas ang desisyon matapos iapela ng gobyerno ang pagpapatuloy ng pagsiyasat sa mga diumano'y pag-abuso na nangyari, ang ilan sa biktima napatunayang tinaniman ng ebidensya, hindi binigyan ng "due pricess" kahit inosente.
Umabot na sa higit 6,000 ang napatay ng kaugnay ng droga ayon sa pamahalaan pero nasa 30,000 daw ito sa pagtataya ng human rights groups.
Pagpalag ng estado kahit may ICC jurisdiction
Una nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi na sila makikipag-usap sa ICC matapos ibasura ng kanilang Appeals Chamber ang nauna nilang apelang isuspindi ang probe sa dahilan ng "kawalang jurisdiction at pangingialam sa soberanya ng Pilipinas."
https://www.philstar.com/headlines/2023/03/28/2255115/marcos-philippines-disengage-communication-icc
Matatandaang kumalas ang Pilipinas mula sa Rome Statute — ang tratadong bumuo sa ICC — noong ika-17 ng Marso, 2019 — sa gitna ng batikos sa drug war killings na nangyari noong panahon ni Duterte.
Naniniwala tuloy ang gobyernong hindi na pwedeng imbestigahan ng ICC ang Pilipinas pagdating sa mga pag-abuso. Ito rin ang posisyon ngayon ni Marcos.
Hindi ito totoo dahil malinaw sa mga probisyon ng Rome Statute na pwede pa ring imbestigahan ang mga paglabag na nangyari bago ang petsa ng anumang pagkalas.
Serye ng pag-apela at pagbasura rito
Matatandaang pansamantalang sinuspindi ng ICC ang probe nito sa drug war noong Nobyembre 2019 — panahong presidente pa si Duterte — matapos nitong sabihing Pilipinas na ang gagawa ng sarili nitong inquiry sa libu-libong namatay sa anti-narcotic operations.
Enero nang sabihin ng pre-trial chamber ng ICC na ipagpapatuloy nito ang imbestigasyon matapos mapag-alamang hindi sapat ang nangyayaring imbestigasyon at prosecutions ng mga hukuman sa Pilipinas.
Marso nang udyukin ng gobyerno ang ICC na baliktarin ang desisyon nito habang idinidiing wala nang kapangyarihan ang tributional sa bansa. Tinanggihan ng ICC ang pag-apela ng gobyerno nitong ika-27 ng Marso.
- Latest