^

Bansa

Galvez, pinuri suporta ng solon sa peace efforts ng Pangulong Marcos admin

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Galvez, pinuri suporta ng solon sa peace efforts ng Pangulong Marcos admin
President Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. administers the oath of former defense officer-in-charge Carlito Galvez Jr.
Presidential Communications Office

MANILA, Philippines — Ipinaabot ni Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity Carlito Galvez, Jr. ang papuri kay Albay Rep. Joey Salceda sa pagsuporta nito sa mga hakbang at programang pangkapayapaan ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand  Marcos, Jr.

“Pinupuri at pinasasa­lamatan ko si Rep. Joey Salceda sa buong suporta niya sa pangkapayapaang mga hakbang ng pamahalaan. Ipinakikita nito na kaisa namin siya sa mga pagsisikap ng pamahalaan tungo sa makabuluhang kapayapaan ng bansa para sa mga mamamayan natin,” pahayag ni Galvez.

Sinabi ni Galvez na simula ng italaga siyang ‘peace adviser’ ay masusi na siyang nakipagtulungan kay Salceda at iba pang mga mambabatas sa pagsulong ng malawakang mga pangkapayaang hakbangin ng gobyerno.

Nagkita at nagkasanggunian kamakailan sina Galvez at Salceda kung saan tinalakay ng mga ito ang mga posibleng pagtutulungan upang isulong ang mga hakbangin at inisyatibong pangkapa­yapaan tungo sa higit na matibay at matatag na Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Una rito, nangako ang ekonomistang si Salceda ng tulong at suporta sa Bangsamoro Transition Authority (BTA), ang ‘interim’ na pamahalaang Bangsamoro, at ipasa ang kailangang mga batas gaya ng ‘BARMM Revenue Code and Investment Code.’

vuukle comment

BARMM

PEACE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with