^

Bansa

Apollo Quiboloy 'stop' na rin sa TikTok; account na-ban dahil sa kaso sa US

James Relativo - Philstar.com
Apollo Quiboloy 'stop' na rin sa TikTok; account na-ban dahil sa kaso sa US
Apollo Quiboloy, founder of Kingdom of Jesus Christ church and media mogul, is wanted in the United States for sex trafficking by force, fraud and coercion including that of children.
Sonshine Media/Released

MANILA, Philippines — Hindi na ma-access sa video sharing platform na TikTok ang account ng "Appointed Son of God" at Kingdom of Jesus Christ Church leader na si pastor Apollo Quiboloy, ito ilang araw matapos maligwak sa YouTube dahil sa paglabag sa community guidelines.

Ito ang ibinahagi ng Twitter user na si @DuterteWatchdog matapos niyang ireklamo sa TikTok ang spiritual adviser ni dating Pangulong Rodrigo Duterte — na siyang wanted ngayon ng US Federal Bureau of Investigation (FBI) dahil sa "sex trafficking ng mga bata."

"It seems that TikTok has taken down Pastor Apollo Quiboloy's account after I have tipped them with the FBI warrant and the Global Magnitsky Act sanctions," sabi niya sa isang Tweet nitong Martes nang umaga.

"Tiktok was the only network that has reacted to my mails. @Twitter @Facebook @InstagramComms didn't care to answer (yet)."

Sa kanyang e-mail na ipinadala sa legal department ng TikTok, makikitang inireklamo ang account na @pastor_acq dahil sa "karumal-duumal na krimen" gaya ng "panghahalay ng mga batang nasa 11-anyos."

Ang naturang account ay dati nang i-prinomote ng religious leader, na siya ring founder ng kumpanyang media na Sonshine Media Network International (SMNI), sa kanyang Facebook page bilang opisyal na TikTok.

"I would therefore also ask you to consider permanently removing Apollo Quiboloy's accesses," dagdag ng Twitter user.

'Ipagbigay alam sa otoridad'

Matapos isumbong sa TikTok, ika-24 ng Hunyo na raw nang balikan siya nito ngunit sa pamamagitan ng isang automated e-mail response.

Ani @DuterteWatchdog sa Philstar.com, ika-28 ng Hunyo na raw nang sagutin na siya nang totoo ng mga nabanggit.

"Thank you for reaching out to advise us of your concerns. Please note, while we will ensure to conduct a review of the content or account listed, it is prudent to report any matters impacting the wellbeing of an individual to the authorities for investigation and follow-up," sabi daw ng TikTok.

"The information reported has been forwarded to our Trust and Safety Team for further review and appropriate response; as such if you have not done so already, please provide all pertinent user account or video information including screenshots or links."

"We strongly encourage you to ensure local authorities are contacted, or a tip is submitted to law enforcement as the first step to securing the physical and psychological safety and welfare of our users."

Kinontak na ng Philstar.com ang mismong legal department ng TikTok ngunit hindi pa tumutugon hanggang sa ngayon.

Una nang hinamon ng Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura, isang grupo ng mga magsasaka, ang YouTube na sunod na matanggal sa kanilang platform ang SMNI News ni Quiboloy na kilalang nagiging lunsaran ng disinformation at red-tagging.

APOLLO QUIBOLOY

FEDERAL BUREAU OF INVESTIGATION

HUMAN TRAFFICKING

SEX TRAFFICKING

TIKTOK

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with