CSC sa government officials, agencies: SALN isumite na
MANILA, Philippines — Pinaalalahanan ng Civil Service Commission (CSC) ang mga opisyal sa mga ahensya ng gobyerno na isumite na ang 2022 Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) bago ang itinakdang palugit na hanggang Hunyo 30 ng taong ito.
“Recognizing that the government is still transitioning to the new normal and that several government institutions continue to adopt flexible work arrangements, CSC has allowed the electronic oath-taking, filing, and submission of 2022 SALNs,” anunsyo ni CSC Chairperson Karlo Alexei Nograles.
Sa ilalim ng panuntunans, ang SALNs ay kailangang isumite sa kinauukulang repository agency, pisikal man o electronic form.
Ang mga ahensya na pisikal na maghahain ng SALN ay kailangang may kasamang printed na kopya ng elektroniks nito.
Sa mga electronics ang gagawing paghahain, pahihintulutan ang mga opisina ng mga ahensiya na isumite ang kanilang SALN sa mga repository agency gamit ang USB flash drive o disc storage kasama ang kailangang summary alinsunod sa panuntunan.
Ang indibidwal na paghahain ng SALN ay kailangang gawin sa loob ng 30 araw matapos na manungkulan sa puwesto bago ang Abril 30 kada taon o sa loob ng 30 araw matapos na umalis na sa serbisyo kasama na dito ang pagreretiro at pagtatapos ng termino.
Ang mga public officials naman at empleyado na manunungkulan o aalis na sa puwesto sa taong ito ay maaring mag-apply sa online na proseso ng oath taking at paghahain ng 2022 SALN.
- Latest