Suspended lawyer Larry Gadon itinalagang Presidential Adviser for Poverty Alleviation
MANILA, Philippines — Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si suspended lawyer Atty. Lorenzo “Larry” Gadon bilang Presidential Adviser for Poverty Alleviation.
Ayon sa Malacañang, ang paghirang kay Gadon na naka-indefinite suspension ng Supreme Court dahil sa umano’y “verbally assault” sa isang journalist noong nakaraang taon — ay nagpapakita ng pangako ng gobyerno na tugunan ang isa sa mga pinakamabigat na hamon na kinakaharap ng bansa.
Si Gadon ay nagtapos sa Far Eastern University (FEU) sa Maynila ng Bachelor of Science degree in Management at kanyang Law degree.
Gagampanan ni Gadon ang isang mahalagang papel bilang tagapayo ng Pangulo sa mga estratehiya at patakaran na naglalayong labanan ang kahirapan at pagpapabuti ng buhay ng mga pinaka-mahinang sektor ng lipunan.
Bago ang kanyang appointment, nagsilbi siya bilang Managing Partner ng Gadon and Associates Law Office at Associate sa Antonio Abad and Associates Law Office.
- Latest