Mga Pinoy sa Russia, pinag-iingat sa nagaganap na rebelyon
MANILA, Philippines — Pinag-iingat ang mga Filipino sa Russia na maging mapagbantay sa gitna ng banta ng armadong rebelyon na ilulunsad ng Yevgeny Prizozhin’s private army na Wagner Group laban sa gobyerno ni Russian President Vladimir Putin.
Sa travel advisory ng Philippine Embassy sa Moscow, pinapayuhan ang mga Pinoy na mag-monitor sa kanilang mga advisory at sumunod sa mga otoridad sa Russia.
Pinayuhan din ang mga Pinoy doon na umiwas sa matataong lugar at huwag sumama sa mga demonstrasyon gayundin iwasan ang pagpo-post sa social media ng may kinalaman sa politika at unverified information.
Hindi rin hinihikayat ang mga Pinoy doon na bumiyahe o magtungo sa ibang rehiyon kung hindi naman kinakailangan.
Para naman sa mga Pilipinong nakatira sa Rostov- on-Don, Belgorod at sa mga nakatira sa boundary ng Russia at Ukraine, pinapayuhan ang mga ito na ipaalam sa Philippibe Embassy ang kanilang sitwasyon.
Nauna nang sinabi ni Prigozhin na tatawid siya sa Russia at kukunin ang kontrol ng pangunahing military headquarters doon at ibabagsak ang military leadership ng Moscow at lalaban siya at kanyang 25,000 fighters na handa rin mamatay.
- Latest