^

Bansa

Atienza binigyang pagkilala sa ambag sa Maynila

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Binigyan ng pinakamataas na pagkilala si dating Manila Mayor Lito Atienza na Gawad Gat Andres Bonifacio Award para sa kanyang outstanding contributions sa Maynila sa ginanap na selebrasyon ng ika-452 Founding Anniversary nito.

Si Atienza ang nag-iisang 3-term na Alkalde ng Maynila ay kinilala sa napakatagumpay na “Buhayin ang Maynila Urban Renewal  and Redevelopment Program” ng kanyang administrasyon.

Sa ilalim ng Buhayin ang Maynila nagpatupad siya ng mga kinakailangang reporma sa loob ng burukrasya para mapabilis ang paghahatid ng mga pangunahing serbisyo.

Nakuha rin niya ang suporta ng iba’t-ibang sektor at stakeholder tulad ng mga pinuno ng barangay at komunidad, gayundin ng mga negosyo at NGOs para magtulungan sa pagpapanumbalik ng Maynila sa isang makulay, masigla at progresibong lungsod.

Habang nagpahayag naman ng pasasalamat ng taos-pusong pasasalamat si Atienza kay Mayor Honey Lacuna para sa karangalan at inaasahan ang tagumpay ng alkalde.

ANDRES BONIFACIO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with