^

Bansa

Bagsak sa Nursing Board Exam ‘di dapat bigyan ng temporary license - PRC

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Bagsak sa Nursing Board Exam ‘di dapat bigyan ng temporary license - PRC
Newly capped and pinned 3rd year nursing students of the University of Perpetual Help System in Las Piñas gather for the university’s 43rd thanksgiving and commitment rites.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Niniwanag ng Professional Regulation Commission (PRC) na walang probisyon sa Philippine Nursing Act of 2002 na bigyan ng temporary licenses ang mga nursing graduates na bumagsak sa Nursing Licensure ­Examination.

Ito ang reaksyion ni PRC Commissioner Jose Cueto Jr. sa pahayag ni Health Secretary Ted Herbosa na planong kunin ang serbisyo ng mga unlicense nursing graduates para bigyan ng trabaho sa government hospitals.

Ayon kay Cueto, kai-langan munang maam-yendahan ang Republic Act No. 9173 bago maisagawa ni Herbosa ang pag-hire sa mga unlicensed nursing graduates.

“Doon sa RA 9173, wala hong probisyon na nagbibigay ng kapangyarihan ang PRC, o any government agency, na magbigay ng temporary license sa mga nursing graduates na hindi pa nakapasa ng Nursing Licensure Examination,” sabi ni Cueto.

Nilinaw ni Cueto na kapag hindi napapalitan ang probisyon sa naturang batas ay hindi pwedeng gamitin ‘yung percentage na lower than 75 para ang mga unlicensed nursing graduates ay makapagtrabaho.

Unang sinabi ni Herbosa na bibigyan niya ng trabaho sa government hospitals ang mga nursing graduates na bumagsak sa Licensure Exam bastat may score na 70 hanggang 74 percent.

Sinasabing 70 government hospitals ngayon ay may kabuuang 4,500 vacant plantilla para sa mga nurses sa buong bansa.

 

NURSING BOARD EXAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with