^

Bansa

Nagparehistro ng SIM card, 100 milyon na

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umabot na sa 100 ­milyon ang bilang ng mga SIM cards na nairehistro hanggang nitong June 20,2023.

Batay sa pinakahuling tala ng National Telecommunications Commission (NTC),

100,048,884 sim cards ang rehistrado na ngayon sa mga telco company.

Ang naturang bilang ay katumbas na ng 59.55% ng halos 169 milyong telco subscribers sa bansa.

Mula sa bilang na ito, 47.272 milyon na ang nakarehistro sa Smart Communications Inc., o katumbas ng 71.30% ng kanilang subscribers.

45.868 milyon naman ang nairehistro na sa Globe Telecom Inc., o katumbas ng 52.88% ng kanilang subscribers habang umakyat na rin sa 6.9 milyon ang nakarehistrong sim sa DITO Telecommunity.

Una nang iniextend ng Department of Information and Communications (DICT) ang SIM registration sa bansa hanggang sa July 25.

Ang mga bigong makakapagrehistro ay otomatikong madedeactivate ang SIM at hindi rin maka­kagamit ng digital apps at iba pang online services na mangangailangan ng two-step verification. — Mer Layson

 

SIM REGISTRATION ACT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with