^

Bansa

Mga magsasaka: SMNI News isunod sa Quiboloy YouTube channel dahil sa 'red-tagging'

James Relativo - Philstar.com
Mga magsasaka: SMNI News isunod sa Quiboloy YouTube channel dahil sa 'red-tagging'
Photo shows Kingdom of Jesus Christ church founder Apollo Quiboloy.
Pastor Apollo Quiboloy Facebook Page

MANILA, Philippines — Hinamon ng Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura ang YouTube na sunod matanggal sa kanilang video-sharing site ang SMNI News na pinatatakbo ng pastor na si Apollo Quiboloy dahil sa red-tagging at disinformation.

Miyerkules lang nang i-terminate ng YouTube ang channel ng Kingdom of Jesus Christ leader sa "paglabag ng community guidelines" matapos dumulog ang isang netizen dahil sa pagiging wanted ng religious figure sa US Federal Bureau of Investigation kaugnay ng kasong sex trafficking ng mga bata, atbp. Ayon sa ulat ng Rappler, tinanggal ang channel kaugnay ng sanctions ng US laban kay Quiboloy.

"Ang mag-unyon, nire-redtag. Ang dumaing sa mababang sahod, nire-redtag. Ang magsulong ng tunay na repormang agraryo, nire-redtag din," wika ni UMA spokesperson John Milton "Ka Butch" Lozande ngayong Huwebes.

"Hindi ba nilalabag ng SMNI News ang mga karapatan nating mag-organisa at magpahayag?"

Oktubre 2022 lang nang manawagan ang Movement Against Disinformation sa Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas na imbestigahan ang SMNI sa diumano'y paglabag nito sa Broadcast Code of the Philippines dahil sa mga personal na atake at red-tagging sa ilang grupo at indibidwal.

Mayo naman nang iugnay ng SMNI hosts na sina dating spokesperson ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na si Lorraine Badoy at Jeffrey “Ka Eric” Celiz ang sari-saring journalists, pati na ang mga reporter at editor ng Philstar.com, sa Communist Party of the Philippines-New People's Army kahit walang pruweba.

Patuloy pa ni Lozande, hindi na dapat patagalin pa ng YouTube ang SMNI News sa kanilang social media platform.

Kung triggering daw kasi ang content ni Quiboloy sa mga biktima ng sexual assault, ganito rin daw ang epekto ng SMNI sa mga biktima ng extrajudicial killings, enforced dissappearances at union-busting.

"Hindi lang sa iisang channel nagkakalat ng disimpormasyon at karahasan ang kriminal na ito," dagdag pa ni Ka Butch. 

"Sana’y suyurin ng YouTube ang buong bakuran nito para bunutin ang buong makinarya ni Quiboloy. Kasangkapan ito ng mga pasista, lalo na ng NTF-ELCAC, sa panggigipit ng taumbayan."

Dagdag pa nila, hindi lang pangwasak ng unyon at grupo ng mga magsasaka ang red-tagging ngunit nagiging "prelude" din sa extrajudicial killings.

Sinasabing marami sa 349 pesanteng namatay sa ilalim ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ay na-red-tag. 97 naman daw ito sa ilalim ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.

Wala pa namang pahayag ang SMNI News at ang "Appointed Son of God" na si Quiboloy patungkol sa pahayag ng UMA.

Matatandaang inendorso ni Quiboloy, na naging spiritual adviser din ni Digong, ang kandidatura ni Marcos Jr. noong nakaraang 2022 presidential elections.

APOLLO QUIBOLOY

DISINFORMATION

LORRAINE BADOY

RED-TAGGING

SMNI

UNYON NG MGA MANGGAGAWA SA AGRIKULTURA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with