^

Bansa

'Tagal naman': Pilipinas makikita 'longest day, shortest night' ng 2023 ngayong araw

Philstar.com
'Tagal naman': Pilipinas makikita 'longest day, shortest night' ng 2023 ngayong araw
Larawan ng paglubog ng araw sa Tuba, Benguet
The STAR/Andy Zapata Jr.

MANILA, Philippines — Matutunghayan ng Pilipinas ang pinakamahabang araw at pinakamaiksing gabi nito ngayong 2023 kasabay ng pagsisimula ng "June Solstice" ngayong ika-21 ng Hunyo, ayon state astronomers.

Ito ang ibinahagi ng PAGASA habang ipinaliliwanag ang pagsisimula ng "June Solstice" ngayong araw.

"Inaasahan natin na ang magiging epekto nito sa ating bansa, magkakaroon tayo ng 13 hours of total daytime ngayong araw," ani DOST-PAGASA weather forecaster Patrick Del Mundo ngayong Miyerkules.

"Ang haring araw ay sisikat ngayong 5:28 ngayong umaga at lulubog ng 6:28 nang gabi."

 

Oras na pumasok ang June Solstice bandang 10:58 p.m. mamaya, maaabot ng araw ang pinakahilagang punto sa kalangitan sa Taurus sa declination na 23.5°N.

"During the June Solstice, the northern hemisphere will experience the longest day and will mark the first day of summer," paliwanag pa ng PAGASA astronomical diary.

"Subsequently, it will also mark the first day of winter in the southern hemisphere, wherein the Sun will have a shorter time staying above the horizon than any other day of the year."

Kahit na ginagamit itong tanda ng unang araw ng summer sa northern hemisphere, walang ganitong panahon sa Pilipinas. Bagama't nasa northern hemisphere ang bansa, malapit-lapit din ito sa equator.

Matatandaang katatapos lang ng panahon ng tag-araw sa bansa at kasisimula pa lang ng panahon ng tag-ulan ngayong Hunyo kahit na nagbabadya pa rin ang banta ng El Niño phenomenon. — James Relativo

PAGASA

SUMMER

SUMMER SOLSTICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with