^

Bansa

PCSO namahagi ng food packs

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nasa 1,00 food packs ang ipinamahagi ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa mga mahihirap na residente ng Parañaque City kamakailan.

“Regular po kaming nag-iikot sa mga komunidad sa bansa upang kahit paano’y makatulong sa mga pangangailangan ng ating mga kababayan,” ani PCSO Chairman Junie E. Cua.

Nakiisa si Cua sa aktibidad na ginanap sa Pa­rañaque Sports Complex noong Hunyo 14, nina Pa­rañaque Mayor Eric Olivarez, Rep. Gus Tambunting, at iba pang opisyal ng ahensya at lokal na pamahalaan.

Ayon kay Cua, ang Community Outreach Program ay naaayon sa mandato ng PCSO na magbigay ng charitable at social services sa mga mahihirap at vulnerable na sektor sa bansa.

“Bahagi po ito ng aming Rear, Assist, Inspire, Support and Enhance o RAISE Program sa ilalim ng Corporate Social Responsibility projects ng ahensya,” ani Cua.

Sa paglipas ng mga taon, ang PCSO ay patuloy na tumutulong sa mga depressed communities lalo na sa panahon ng kalamidad.

“Sa pamamagitan nitong programang ito, nais mai­padama ng pamahalaan under the leadership of our President Ferdinand Marcos, Jr. ang pagmamahal at pagkalinga sa ating mga kababayan,” ayon pa kay Cua.

vuukle comment

PCSO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with