^

Bansa

Pagtatayo ng permanent evacuation center, isinulong

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sa halip na sa mga classrooms, sa mga evacuation centers, na lang sumilong ang mga biktima ng kalamidad.

Ayon kay ACT-CIS Cong. Jocelyn Tulfo, “dahil wala tayong evacuation centers, sa mga es­kwelahan nag-e-eva­cuate ang mga tao kapag may bagyo o lindol at iba pang kalamidad.

“Pero ang problema walang pondo sa pagpapatayo ng mga ito kaya nagdo-doble ang function ng mga paaralan, dahil ginagamit ding evacuation center,” ani Cong. Tulfo.

Suhestiyon ni Tulfo, maglaan ng pondo para sa mga ito na maaaring gamitin as multi-purpose buildings pag walang ka­lamidad.

“One fine example is itong sa Mayon, medyo matagal-tagal na ang mga evacuees sa mga classrooms. Mabuti na lang bakasyon na,” hirit naman ni ACT-CIS 1st Nominee Cong. Edvic Yap.

Ani Cong. Yap, “I think na brought up na ito ni Cong. Erwin Tulfo kay Pangulong Marcos noong sa DSWD pa siya pero syempre maraming other priorities ang administrasyon tulad ng hunger mitigation.”

“Pero we really need to start building these evacuation centers kasi panay ang delubyo na ngayon dahil sa climate change,” dagdag ni Yap.

JOCELYN TULFO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with