^

Bansa

Militar itinangging may kinalaman sa 'Fausto massacre' sa Negros Occidental

James Relativo - Philstar.com
Militar itinangging may kinalaman sa 'Fausto massacre' sa Negros Occidental
Litrato ng Himamaylan City, Negros Occidental mula sa kalawakan
Google Maps

MANILA, Philippines — Pinabulaanan ng militar na may kamay sila sa diumano'y masaker sa isang pamilyang magsasaka sa Himamaylan City, Negros Occidental nitong Miyerkules, bagay na sinasabing mangyari matapos silang i-link sa komunistang rebelyon.

Huwebes lang nang kundenahin ng Unyon ng mga Manggagawa sa Agrikultura ang pagkamatay nina Emelda Fausto, miyembro ng Baklayan, Bito, Cabagal Farmers Association, kanyang mister na si Fausto at dalawang menor de edad na anak.

Ang mga nabanggit ay sinasabing ni-"red-tag" daw ng Armed Forces of the Philippines.

"The 303rd Infantry Brigade vehemently denies the baseless accusations made by the CPP-NPA terrorists linking the Army to the alleged massacre of four members of the Fausto Family in Himamaylan City, Negros Occidental," ani CPT Mervin Rosal (INF) PA, Civil-Military Operations Officer 303RD Infantry Brigade, 3ID, PA.

"These allegations are nothing but an attempt by the desperate NPAs to tarnish the reputation of the Army in the province."

"Pointing their dirty finger at the Army is part of the CTG's deceptive tactic to cover up the truth. These communist terrorists quickly blame the Army without proof to mislead the people and to hide their guilty hands."

Sinasabi ito ng 303rd Brigade kahit na ang mga naunang nagkundena sa militar kaugnay ng insidente ay mga ligal na aktibistang grupo at hindi ang Communist Party of the Philippines-New People's Army.

Una nang sinabi ng UMA na nananatili ang karahasan sa Negros Occidental sa pamamagitan ng Memorandum Order 32 kahit tapos na ang dating administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Saklaw ng naturang kautusan ang nasabing lugar kagaya ng Samar, Negros Oriental at Bicol Region.

Wala ang ikatlong anak ng mga Fausto sa kanilang tahanan nang mangyari ang masaker. Agad naman daw siyang nagtungo sa Himamaylan police nang madiskubre ang mga bangkay.

"As we extend our deepest condolences to the grieving family, we also condemn the brutal killings of the Faustos in the strongest possible terms," dagdag pa ni Rosal.

"We assure the public that we are committed to uncovering the truth behind this horrific incident and in bringing the perpetrators to justice."

'Dapat imbestigahan ng CHR'

Hinihikayat naman ngayon ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas at human rights watchdog na Tanggol Magsasaka na agad maimbestigahan ng Commission on Human Rights ang sinapit ng pamilya Fausto.

Bago pa kasi ang masaker ay sinasabing nakatatanggap na ang mga nabanggit ng "physical and mental torture, grave coercion," at illegal searches, bagay na ginawa raw ng mga ahente ng gobyerno.

Nakarating aniya sa kanila ang mga testimonya ng ilang saksi na ni-"ransack" ng Philippine Army ang kanilang kubo noong gabi ng masaker habang inaakusahan sila bilang mga suporter ng NPA.

Ika-22 aniya ng Marso nang sumailalim sa "intense interrogation" si Emelda ng ilang armadong lalaki matapos bumalik sa paglalaba. Maliban pa raw ito sa pagtutok sa kanya ng kutsilyo, pagpatay sa kanilang mga manok at pagnakaw ng P5,000.

Ika-15 naman ng Mayo daw nang iulat ni Emelda ang dalawang magkahiwalay na insidente ng "pwersahang" pagpasok sa kanilang tahanan.

"We demand justice for the Fausto family. We demand a stop to the intense militarization of peasant communities in Negros towns," panapos ni KMP coordinator Danilo Tabura ngayong Biyernes.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

COMMISSION ON HUMAN RIGHTS

HIMAMAYLAN

NEGROS OCCIDENTAL

RED-TAGGING

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with