^

Bansa

Electric vehicles susi sa 'decarbonization' — pollution control group

Philstar.com
Electric vehicles susi sa 'decarbonization' â pollution control group
Kuha ng isang electric vehicle na tsina-tsarge sa UP Diliman Electrical and Electronics Engineering Institute sa Quezon City.
STAR/Russell Palma

MANILA, Philippines – Inihayag ng environmental group na Pollution Control Association of the Philippines Inc. (PCAPI) na ang transisyon papunta sa electric vehicles (EVs) ang magtutulak ng solusyon ng gobyerno patungo sa “decarbonization” ng bansa.

Ginawa ng PCAPI ang pahayag makaraang sabihin  ni National Economic Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan na maaaring magkaroon ng rebisyon ang Executive Order No. 12 series of 2023 sa Pebrero 2024, matapos ikampanya ng ilang prominenteng personalidad sa industriya ng EVs ang kanilang mga hinaing sa hindi pagsama sa mga e-motorcycle sa ilalim ng EO.

Ayon sa PCAPI, ang tax incentive para sa mga e-motorcycle ay makatutulong sa kalakhan ng mga Pilipino na tangkilikin ang paglipat sa abot-kaya at eco-friendly na moda ng transportasyon.

"This will allow more of the majority of the public access to affordable transportation… Also this can minimize what I believe [is] a major issue of pollution in highly urbanized [communities], idling in traffic," sabi ni PCAPI Vice President for External Affairs, Mr. Jeremiah Dwight Sebastian sa isang panayam.

Idiniin ng grupo na hanggang may kakulangan pa sa mga impormasyong dapat makalap at mga isyung dapat talakayin, ang mga polisiyang magpapaunlad sa kalidad ng hangin ng bansa, katulad ng EO12, ay dapat na maipatupad.

"The point here is there is a need for stakeholders and [implementers] to communicate and also capacitate enforcers to avoid miscommunication and implement this properly," dagdag ni Sebastian.

Hawak ng mga motorsiklo ang kalakhan ng bilang ng mga motorista sa bansa. Ayon sa Statista Research Department, mayroong 7.81 milyong motor na nakarehistro sa Pilipinas noong 2022.

Plano naman ng Department of Energy na paabutin sa 2,454,200 ang bilang ng mga EVs pagsapit ng 2028, na binubuo ng mga kotse, motorsiklo, tricycle, at bus. Parte rin sa programa ng ahenisya ang pagtatayo ng 65,000 charging stations sa bansa.

Una nang sinabi ni Philippine Business for Environmental Stewardship Secretary General Felix Jose Vitangcol na dapat repasuhin ang EO at gawin itong mas inklusibo para sa mga motorsiklo at iba pang two-wheeled vehicles upang tangkilikin ng mga Pilipino ang green technology sa gitna ng tumataas na presyo ng gasolina.

"Only more affluent Filipinos – indeed a limited segment of the population – can afford to buy four-wheel vehicles and hence enjoy these incentives....This is why the government must make these tax incentives more inclusive," ani Vitangcol.

Ang paglipat sa mga EV ay isa sa mga paraan ng gobyerno upang makatulong sa pag-decarbonize ng Pilipinas at mapigilan ang pagsandig sa fossil fuel pagdating sa power generation.

ELECTRIC MOTORCYCLES

ELECTRIC VEHICLES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with