^

Bansa

Magnitude 6.3 na lindol niyanig Batangas, ramdam hanggang Metro Manila

James Relativo - Philstar.com
Magnitude 6.3 na lindol niyanig Batangas, ramdam hanggang Metro Manila
Bandang 10:19 a.m. nang maitala ng state seismologists ang naturang lindol na siyang may epicenter apat na kilometro timogkanluran ng Calatagan, Batangas.
Released / Phivolcs

MANILA, Philippines (Updated 3:48 p.m.) — Inuga nang malakas-lakas na lindol ang probinsya ng Batangas pati na ang kalapit na mga lugar gaya ng National Capital Region matapos tumama ang nasa 6.3 magnitude earthquake, ayon sa Phivolcs ngayong Huwebes.

Bandang 10:19 a.m. nang maitala ng state seismologists ang naturang lindol na siyang may epicenter apat na kilometro timogkanluran ng Calatagan, Batangas.

Una nang ibinalitang magnitude 6.2 ang nangyari ngunit agad naman itong in-update ng gobyerno.

Naitala ang mga syumusunod na intensities sa mga sumusunod na lugar:

Intensity IV (moderately strong)

  • City of Manila
  • City of Mandaluyong
  • Quezon City
  • City of Valenzuela 
  • City of Malolos, Bulacan
  • Batangas City, Ibaan, Lemery, Nasugbu at Talisay, Batangas
  • City of Dasmariñas at City of Tagaytay, Cavite
  • Tanay, Rizal

Intensity III (weak)

  • Pateros
  • City of Las Piñas
  • City of Makati 
  • City of Marikina
  • City of Parañaque 
  • City of Pasig 
  • Obando, Bulacan 
  • Laurel, Batangas 
  • City of Bacoor at City of Imus, Cavite 
  • City of San Pablo at City of San Pedro, Laguna
  • San Mateo, Rizal

Intensity II (slightly felt)

  • City of Caloocan 
  • City of San Juan
  • City of Muntinlupa
  • City of San Fernando, La Union 
  • City of Alaminos at Bolinao, Pangasinan 
  • Santa Maria, Bulacan 
  • Bamban, Tarlac 

Intensity I (scarcely perceptible)

  • City of San Jose Del Monte, Bulacan

Suspendido naman ang mga klase sa lahat ng lebel, pribado man o pampubliko, sa probinsya ng Laguna, Calatagan, Batangas at Bacoor City, Cavite, ayon sa Civil Defense CALABARZON.

Wala pa namang naiuulat na malubhang pinsala sa ngayon sa Calatagan matapos ang paglindol, ayon kay Calatagan Mayor Peter Oliver Palacio sa ulat ng PTV4.

BATANGAS

CALATAGAN

DAMAGES

EARTHQUAKE

PHIVOLCS

Philstar
  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with