^

Bansa

DOH: 35 katao nagka-'respiratory problems' habang Mayon nag-aalburoto

James Relativo - Philstar.com
DOH: 35 katao nagka-'respiratory problems' habang Mayon nag-aalburoto
Residents board a truck as they evacuate their village due to an eruption threat from nearby Mayon volcano, in Daraga on June 9, 2023. Philippine scientists said that a "hazardous eruption" of a volcano in the archipelago could be days or weeks away, and urged the evacuation of nearby residents from their homes.
AFP/Charism Sayat

MANILA, Philippines — Nagsimula nang magkaroon ng negatibong epekto sa kalusugan ng mga residente sa Rehiyon ng Bicol habang nagbubuga ngayon ng usok at sari-saring kemikal ang Bulkang Mayon, ayon sa Department of Health (DOH).

Ito ang sinabi ng kagawaran ngayong Miyerkules habang pumalo na sa 37,231 ang naapektuhan ng volcanic activity — 16,161 sa kanila ay lumikas na sa Rehiyon 5, ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council.

"As of June 13, there are reported 35 cases presenting with respiratory problems such as cough, colds and sore throat at the evacuation centers," sabi ng DOH sa isang pahayag sa mga reporter.

"However, the reported cases are not verified as adverse effects of sulfur dioxide and ashfall."

Linggo lang ng gabi nang magsimulang umapaw ang lava mula sa bunganga ng bulkan habang nasa Alert Level 3 ang bulkan.

Sa pagtataya ng Phivolcs, naitala na ang mga sumusunod sa nakalipas na 24 oras ayon sa Phivolcs:

  • volcanic earthquakes: 7
  • rockfall events: 309
  • pyroclastic density current event: 7
  • banaag o "crater glow": nakikita ang banaag; mabagal na pag-agos ng lava mula sa summit crater
  • sulfur dioxide flux: 149 tonelada / araw (13 Hunyo 2023)
  • plume: mahinang pagsingaw; napadpad sa kalakhang silangan
  • ground deformation: namamaga ang bulkan

"We would like to assure the general public that the Department of Health is on the ground and continuously monitoring the affected population," dagdag pa ng DOH.

Ipinagbabawal pa rin sa ngayon ng state volcanologists ang pagpasok sa anim na kilometrong radius Permanent Danger Zone, maliban pa sa paglipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan.

Pinag-iingat pa rin ngayon ang publiko sa pagguho ng bato, mga iniitsang tipak ng lava o bato, pag-gos at pag-itsa ng lava, uson, katamtamang pagputok, at pagdaloy ng lahar kung may matinding pag-ulan.

Ayon sa NDRRMC, nakapaglabas naman na ng nasa P33.64 milyong halaga ng ayuda sa Kabikulan sa ngayon sa porma ng malinis na inuming tubig, hygiene kits, family food packs, modular tents, atbp.

DEPARTMENT OF HEALTH

HEALTH PROBLEMS

MAYON

VOLCANO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with