^

Bansa

53% ng na-survey sa Catholic schools tutol sa mandatory ROTC

Philstar.com
53% ng na-survey sa Catholic schools tutol sa mandatory ROTC
Students and youth groups protest outside of the Senate of the Philippines in Pasay City on January 25, 2023 as the chamber hears proposals to make the Reserve Officers Training Corps mandatory again.
Philstar.com/Xave Gregorio

MANILA, Philippines — Hindi sang-ayon ang karamihan ng mga estudyanteng na-survey sa mga Katolikong paaralan ang panukalang pagbabalik ng sapilitang military training sa eskwela, bagay na itinutulak ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ika-3 hanggang ika-24 ng Abril nang ikasa ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) — ang pinakamalaking asosasyon ng private Catholic schools sa bansa — ang nasabing online survey patungkol sa pagbabalik ng mandatory Reserve Officers' Training Corps program.

Narito ang lumalabas na resulta mula sa nasabing survey:

  • hindi pabor: 53%
  • pabor: 28%
  • hindi masabi posisyon: 19%

Sa 20,461 na na-survey, 30% o 6,166 ang nasa kolehiyo na. Karamihan sa mga sumagot ang nasa senior high school (70%).

"The purpose of the survey is to get your collective opinion on the aforementioned policy and its possible influence on you, your education, and your future," sabi ng CEAP sa isang paskil noong Abril.

"Your answers will be used to tell policymakers and stakeholders about your thoughts, concerns, and recommendations on the said policy."

Ang CEAP ay my 15,000 member schools na nakakalat sa 17 rehiyon sa Pilipinas.

Kamakailan lang lumusot sa Senate defense, higher education at finance panels ang panukalang gawing mandatory ang kontrobersyal na bill sa kolehiyo — ito kahit na pinapalaganan nang marami.
Dati na kasing naiulat ang iba't ibang porma ng abuso roon gaya ng hazingt atbp., maliban sa diumano'y paghubog sa "sunud-sunurang" kabataan, red-tagging at paniniktik sa mga aktibista sa eskwelahan.

Una nang sinertipikahan ni Bongbong bilang "priority legislation" ang mandatory ROTC sa senior high school noong kanyang unang State of the Nation Address.

Itinutulak nina Marcos Jr., Bise Presidente Sara Duterte at ilang senador ang mandatory na pagbabalik nito sa eskwela upang maituro raw sa kabataan ang "disiplina" at "pagmamahal sa bayan."

['Dapat pag-isipan ng mga mambabatas']

Ikinatuwa naman ni Kabayan party-list Rep. Raoul Manuel ang pagsusumikap ng CEAP na kunin ang pulso ng kabataan patungkol sa isyu sa kabila ng pagtulak dito ng Konggreso.

"We laud CEAP for taking the initiative in asking their students, the majority stakeholder standing to bear the greatest impact from mandatory ROTC — something that promoters of the said policy failed to do in the last 10 months of Congress sessions, " ani Manuel ngayong Miyerkules.

"If they are not rattled by this survey, we implore fellow legislators in the Senate to try talking to your children. Ask them, do they agree with this policy? Ask yourselves, would you want them to undergo this program without consent?"

Mayo lang nang lumabas sa isang survey ng Social Weather Stations na 35% lang ng mga Pinoy ang pabor na gawing mandatory ang ROTC, kontra sa 42% na nagsasabing "optional" lang ito dapat.

Dati nang ibinasura ang mandatory ROTC mamatay si Mark Welson Chua, isang estudyante ng Unibersidad ng Santo Tomas. Dinukot at pinatay si Chua matapos nitong isiwalat ang mga insidente ng katiwalian sa ROTC. — James Relatibo at may mga ulat mula kay Cristina Chi

MANDATORY ROTC

RESERVE OFFICERS’ TRAI­NING CORPS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with