^

Bansa

Unemployment rate noong Abril, bumaba ng 4.5% – PSA

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bumaba ang bilang ng mga Pinoy na walang trabaho nitong nagdaang buwan ng Abril, batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Ayon kay PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, bumaba sa 4.5% ang unemployment rate nitong Abril o katumbas ng 2.26 milyong Pilipino na walang trabaho noong Abril.

Mas mababa ito kumpara sa 2.37 milyong walang trabaho noong Enero 2023 at nasa 2.76 milyon namang naitala ng kaparehong buwan noong 2022.

Kasunod nito, umakyat naman sa 95.5% ang employment rate o katumbas naman ng higit 48 milyong Pilipino na may trabaho sa bansa.

Ang underemployment rate naman ay naitala sa 12.9% na pinakamababa mula  pa noong Abril ng 2005.

Ayon sa PSA, 9 na rehiyon ang nagtala ng pagtaas sa employment rate kung saan nangunguna ang Cagayan valley na may 97.6% employment rate.

Samantala, ang CALABARZON naman ang may mataas na unemployment rate sa 5.5%.

Kabilang naman sa mga sektor na nakaambag sa pagtaas ng employment rate noong Abril ang wholesale at retail trade na may dagdag na higit 900,000. Kabilang dito ang mga trabaho sa groceries, at supermarkets.

Sumunod dito ang accommodation at food service activities dahil sa pagtaas ng employed sa resto at food mobile gaya ng fast food at food delivery.

Habang pangatlo naman ang admin and support service na mula sa pagtaas ng bilang ng nagkatrabaho sa BPO industry.

Habang ilan naman sa sektor na nabawasan ng manggagawa ay  ang sektor agriculture at forestry, manufacturing at pati na ang construction. - Malou Escudero

vuukle comment

PSA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with