^

Bansa

'May Chinese writings': Rocket debris narekober ng Coast Guard sa Bataan

Philstar.com
'May Chinese writings': Rocket debris narekober ng Coast Guard sa Bataan
Kuha sa isang rocket debris na nakitng palutang-lutang malapit sa Napot Point, Brgy Nagbalayong, Morong, Bataan nitong ika-5 ng Hunyo, 2023
Released/Philippine Coast Guard

MANILA, Philippines — Natagpuang palutang-lutang ang ilang bahagi ng isang rocket sa isang katubigan sa Morong, Bataan bagay na pinaghihinalaang pagmamay-ari ng Tsina.

"On 05 June 2023, Mr Alvin Menez y Gerance, local fisherman, found the huge metal object floating in the open sea water approximately 10 miles off Napot Point, Brgy Nagbalayong, Morong, Bataan," wika ng Philippine Coast Guard sa isang pahayag, Biyernes.

"And then, the fishermen towed the metal object using their motorized fishing banca all the way until they reached the shoreline at Sitio Samuyao, Brgy Mabayo Morong, Bataan at about 5 PM."

Hindi man binanggit sa ulat ng PCG kung saang banda nagmula ang nabanggit, kapansin-pansing meron itong nakasulat na Chinese characters sa paligid nito.

Una nang naiulat ng state-run PTV na kamukha ng debris ang itaas na bahagi ng "Tianzhou," isang Chinese automated cargo spacecraft.

Ilang beses nang may natatagpuang rocket debris na pinagmamay-arian ng Tsina sa mga katubigan ng Pilipinas matapos mahulog sa kalangitan.

Nobyembre lang nang humingi ng paliwanag ang gobyerno ng Pilipinas mula sa Tsina matapos maiulat ang "pwersahang" pagkuha ng Chinese Coast Guard sa ilang rocket debris na noo'y hawak ng Philippine Navy na palutang-lutang malapit sa Pagasa Island, Palawan.

Tinanggi naman ng Beijing na gumamit sila ng pwersa upang makuha ang naturang debris, lalo na't ibinalik daw ito sa kanila nang mapayapa matapos ang "friendly consultation" sa mga Pilipino.

"Presently, the recovered debris [from Bataan] is in the possession of CG Station Bataan for investigation and proper disposition," paglilinaw ng Coast Guard. 

Nitong Mayo lang nang balaan ng Civil Aviation Authority of the Philippines at Philippine Space Agency ang ilang piloto at mandaragat sa posibleng pagbagsak ng ilang Chinese rocket debris sa paligid ng Bajo de Masinloc, bagay na maaaring maging mapanganib sa mga eroplano at sasakyang pandagat. — James Relativo

BATAAN

CHINA

MORONG

PHILIPPINE COAST GUARD

ROCKET

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with