^

Bansa

'Ito na lang kaysa Maharlika': SOGIE bill muling itinulak ngayong Pride Month

Philstar.com
'Ito na lang kaysa Maharlika': SOGIE bill muling itinulak ngayong Pride Month
Members of the LGBT community take part in the Metro Manila Pride March at the Cultural Center of the Philippines grounds in Pasay, Metro Manila on June 25, 2022.
AFP/Jam Sta. Rosa, File

MANILA, Philippines — Ngayong Pride Month, muling ipinanawagan ng Akbayan party ang tuluyang pagpapasa ng SOGIE Equality bill, isang panukalang layong ipagbawal ang diskriminasyon batay sa sexual orientation, gender identity and expression.

Ang panukalang batas ay nakatengga sa ngayon sa Kamara at Senado, ang huli ay iniakda ni Sen. Risa Hontiveros at nag-aantay pa ring matalakay sa plenaryo. Kapapasa lang ng bersyon nito sa Kamara sa committee level.

"Matagal nang natapos ang debate. Kung tutuusin, hindi naman dapat pinagdedebatihan ang karapatang pantao," wika ni Akbayan Party President Rafaela David, Miyerkules.

"Our elected officials should remember that they represent the people and not their conservative religious affiliations. The SOGIE Equality Bill is about acceptance and love. Kung may pagmamahal ang mga nakaupo sa pwesto sa mga mamamayang pinaglilingkuran nila, matagal na sanang naipasa ang batas na ito."

Mahigit 23 taon na ang nakalilipas nang ihain ni noo'y Rep. Etta Rosales (Akbayan party-list) ang unang SOGIE Equality bill. Pinakamalayo na sa naabot nito ang pagpasa nito hanggang final reading sa Kamara.

Isyu sa Maharlika fund

Ang lahat ng ito ay nangyayari matapos pumasa sa Senado ang kontrobersyal na Maharlika Investment Fund, bagay na nakikita ng mga kritiko na posibleng maabuso. Para sa mga advocates nito, magagamit ito para sa paglago ng ekonomiya.

Una nang tinawag nina David na "largest investment scam" ang Maharlika Fund, na may inisyal na pondo mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas, Philippine Amusement and Gaming Corp. at Land Bank and Development Bank of the Philippines.

Una nang inamyendahan ang bill para pigilan ang Social Security System (SSS), Government Service Insurance System (GSIS), Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth), Home Development Mutual Fund (Pag-IBIG), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at Philippine Veterans Affairs Office (PVAO) na mag-invest dito dahil sa takot ng mga senador at pensioners.

Matatandaang sinertipikahan ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. bilang urgent ang Maharlika Fund bill.

"Sinabi ni Senator Joel Villanueva, hindi raw urgent ang SOGIE Equality Bill. Paanong hindi naging urgent ang pagtatanggol ng karapatan ng bawat Pilipino?" wika pa ni David.

"May mas importante pa ba dito? Nakakalungkot na uunahin pa ng gobyernong ito ang pagpopondo sa isang investment fund, kaysa sa pagbibigay ng karapat-dapat na proteksyon sa ating mga kababayan mula sa LGBTQIA+ community. A sad case of money over people."

"Mas urgent ba ang pagpaparami ng oportunidad para sa katiwalian, kaysa sa kalayaan nating magmahal? Mas urgent bang isugal and pera ng bayan, kaysa sa ipanalo ang ating pagkakapantay-pantay?" — James Relativo

AKBAYAN PARTY

MAHARLIKA INVESTMENT FUND

SOGIE BILL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with