^

Bansa

Pag-iingat, pakikiisa sa gobyerno giit sa mga residente sa banta ng Mayon

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Iginiit ni Ako Bicol Party­list Rep. Elizaldy Co sa lahat ng Bikolano na palagiang mag-ingat at makipagtulungan sa pamahalaan.

Ito ay hiniling ni Rep. Co nang itaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) sa Alert Level 2 ang Bulkang Mayon dahil sa patuloy na pag-aalboroto.

Mahalaga, ayon kay Co na maging handa at makipagtulungan sa mga awtoridad sa lahat ng oras. Malaking tulong din sa mga Bicolano na manati­ling may alam at sumunod sa mga advisories at precautions na inilalabas ng Phivolcs at ng local government units.

Kabilang na ang pagsunod sa evacuation plans, pag-iwas sa mga danger zones at palaging maging mapagmatyag.

“We want to assure the people of Bicol that Ako Bicol Party List is fully committed to supporting and assisting those in need du­ring this challenging time,” dagdag ni Co.

“We understand the potential impact of the raised alert level on the livelihoods and well-being of our fellow Bicolanos. In response, we are prepared to extend our helping hand by providing aid, relief, and necessary resources to ensure that affected residents have uninterrupted access to essential services and the support they require,” sabi ng mambabatas.

VOLCANOLOGY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with