^

Bansa

'Betty' humina, severe tropical storm na lang pero Batanes Signal no. 1 pa rin

James Relativo - Philstar.com
'Betty' humina, severe tropical storm na lang pero Batanes Signal no. 1 pa rin
Huling namataan ng state weather bureau ang sentro ng bagyo 505 kilometro hilagangsilangan ng Itbayat, Batanes bandang 4 a.m. ng Huwebes.
Released/PAGASA

MANILA, Philippines — Tuluyan nang ibinaba sa pagiging isang severe tropical storm ang bagong "Betty" habang patuloy itong kumikilos pahilaga, ayon sa pinakahuling pagtataya ng PAGASA.

Huling namataan ng state weather bureau ang sentro ng bagyo 505 kilometro hilagangsilangan ng Itbayat, Batanes bandang 4 a.m. ng Huwebes.

  • Lakas ng hangin: 110 kilometro kada oras malapit sa gitna
  • Bugso ng hangin: hanggang 135 kilometro kada oras
  • Direksyon: pahilaga
  • Pagkilos: 15 kilometro kada oras

Kasalukuyang nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 sa Batanes, ito sa gitna ng banta pa rin ng malalakas na hangin doon buhat  ng bagyo. "Minimal to minor" ang posibleng peligro nito sa buhay at ari-arian doon.

Nakikita naman ang 50-100 millimeter na rainfall mamayang gabi hanggang Biyernes ng gabi sa La Union, Benguet, Ilocos Sur at katimugang bahagi ng Abra.

"As Betty continues to move away from country, the southwest monsoon will become the dominant rain-causing system in the country within the day," paliwanag pa ng PAGASA.

"Should there be no significant changes in the track or extent of tropical cyclone winds of Betty, the wind signal over Batanes will be lifted by noon or afternoon today. Nevertheless, minimal to minor impacts from strong winds (i.e., strong breeze to near gale strength) are still possible in Batanes."

Posibleng magdala  ang Hanging Habagat ng minsanan hanggang madalas na ihip ng hangin sa hilagang bahagi ng Cagayan kasama ang Babuyan Islands, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Central Luzon, Metro Manila, CALABARZON, Bicol Region, MIMAROPA, Western Visayas, Northern Samar at hilagang bahagi ng Samar.

Tinatayang lalabas ng Philippine area of responsibility ang bagyong "Betty" ngayong hapon o mamayang gabi. Sa labas ng PAR, posibleng mag-landfall ito malapit sa Okinawa Island ngayong gabi o bukas ng umaga.

BETTY

PAGASA

SEVERE TROPICAL STORM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with