^

Bansa

4 na online scamming suspek huli sa operasyon ng NBI — GCash

Philstar.com
4 na online scamming suspek huli sa operasyon ng NBI — GCash
Ayon kay GCash Head of Cybersecurity and Fraud Management Miguel Geronilla, ang e-wallet ay nakahandang pag-ibayuhin ang internal controls nito upang tugunan ang schemes na ginagamit ng fraudsters.

MANILA, Philippines – Pinuri ng GCash ang National Bureau of Investigation Cybercrime Division (NBI-CCD) makaraang malambat  ang apat na pinaghihinalaang account sellers sa gitna ng patuloy nitong pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad sa pagsisikap na gawing pinakaligtas na e-wallet platform ang GCash.

“The arrest of these suspected mule account sellers is a win in our shared mission with the NBI-CCD in running after cybercriminals,” wika ni GCash Head of Legal Atty. Gilbert Escoto. “Mule accounts are used by fraudsters to mask their identities for scamming, swindling, and other crimes that target the hard-earned money of Filipinos.”

Nadakip kamakailan ng NBI-CCD ang apat na pinaghihinalaang sellers ng pekeng e-wallet accounts na nahaharap sa mga kaso na may kaugnayan sa Access Device Regulation Act of 1998.

Ayon kay NBI-CCD head Atty. Jeremy Lotoc, ang mga sellers ay bahagi ng organized operations na nagbebenta ng pekeng e-wallet accounts na ginagamit ng fraudsters bilang money mules upang itago ang kanilang pagkakakilanlan sa pagsasagawa ng criminal activities tulad ng phishing at swindling.

Idinagdag pa niya na mahigpit na nakikipag-ugnayan ang NBI sa industry players upang paigtingin ang kampanya laban sa cybercriminals habang itinataas ang kamalayan sa kung paano maiiwasan ng publiko na mabiktima ng scam.

“Meron na kaming agreement with GCash. We have this ongoing program, I think may kina-craft din sila, so it’s kind of a joint effort ng ating law enforcement and from the business industry. With the same objective, from our side and from the banking industry and e-wallet platforms, we do have this kind of program,” paliwanag ni Atty. Lotoc.

Ayon kay GCash Head of Cybersecurity and Fraud Management Miguel Geronilla, ang e-wallet ay nakahandang pag-ibayuhin ang internal controls nito upang tugunan ang schemes na ginagamit ng fraudsters.

Noong Mayo ay inilatag ng GCash ang “DoubleSafe” Face ID security feature nito sa 100% ng kanilang fully verified users para masiguro na tanging ang may-ari ang makakapag-log ng account sa bagong device.

Nangangahulugan ito na kahit aksidenteng maibigay ng users ang kanilang mobile personal identification number (MPIN) at one-time pin (OTP), ang kanilang account ay hindi pa rin ma-a-access mula sa bagong device na hindi ini-scan ang mukha ng may-ari.

Nanawagan ang GCash sa publiko na huwag kailanman ibenta ang kanilang on fully verified accounts.

“Customers who sell or lend their accounts may get their name linked to fraudulent activities without their knowledge and expose them to a risk of criminal liability,” ani Escoto.

Kasama ang mga awtoridad, sinabi rin ni Escoto na sinusuportahan ng GCash ang pagpasa sa panukalang batas na naglalayong gawing krimen ang pagbili at pagbebenta ng mule accounts.

Gayundin ay pinaalalahanan ng GCash ang customers nito na huwag ibahagi ang kanilang  MPIN, One-time PIN (OTP), at iba pang  personal information kaninuman.

Ang e-wallet ay hindi kailanman magpapadala ng emails o mensahe na may links o makikipag-ugnayan sa mga customer via calls at iba pang messaging platforms.

Para mag-report ng scams at fraudulent activities, bumisita sa official GCash Help Center sa help.gcash.com/hc/en-us o mag-message kay Gigi sa website at i-type, “I want to report a scam.”

Maaari ring tumawag ang mga customer sa official GCash hotline 2882 para sa mga katanungan.

GCASH

NBI

ONLINE SCAMMER

ONLINE SCAMS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with