^

Bansa

NDRRMC: Apektado ng Typhoon Betty umakyat sa halos 15,000

Philstar.com
NDRRMC: Apektado ng Typhoon Betty umakyat sa halos 15,000
The paper milling building of Cagayan Economic Zone Authority (CEZA) collapsed in Sta. Ana, Cagayan due to the wind brought upon by Typhoon Betty on May 29, 2023.
Released/Cagayan Provincial Information Office

MANILA, Philippines — Pumalo na sa 14,908 katao ang nasasalanta sa ngayon ng bagyong "Betty," bagay na patuloy nagdadala ng ulan ngayon sa Batanes at ilang bahagi ng hilagang Luzon.

Huling namataan ang sentro ng bagyo 320 kilometro silangan ng Itbayat, Batanes, ayon sa PAGASA ngayong Miyerkules ng 4 a.m.

"A total of 3,821 families or 14,908 persons were affected. Of which, 216 families or 806 persons were served inside 31 [evacuation centers] and 188 families or 573 persons were served outside ECs," wika ng National Disaster Risk Reduction and Management Council sa isang pahayag.

Ang mga naturang residente ay nagmula mula sa mga sumusunod na rehiyon:

  • Ilocos Region: 56
  • Cagayan Valley: 2,510
  • Central Luzon: 5,361
  • MIMAROPA: 1,652
  • Western Visayas: 5,282
  • Cordillera Administrative Region: 47

Ilang pagbaha na ang naitala sa ilang bahagi ng Ilocos region at Western Visayas sa ngayon kaugnay ng nasabing sama ng panahon, ang nauna hindi pa rin humuhupa.

"A total of 123 domestic flights and 18 international flights were cancelled," dagdag pa ng NDRRMC. "A total of 72 seaports were affected."

Limang kabahayan naman sa Ilocos, Central Luzon at Cordilllera ang napinsala ng Typhoon Betty. Tatlo dito, wasak na wasak.

Pumalo naman na sa P68,695 halaga ng pinsala sa imprastruktura ang naitatala sa ngayon kaugnay ng bagyo, bagay na naiulat sa CAR.

Nakapamahagi naman na ng nasa P1.95 milyong halaga ng ayuda sa mga apektadong residente simula nang tumama ang bagyo. Ang mga nabanggit ay nasa porma ng bottled water, family food packs, pera, hygiene kits, pagkain, atbp.

Ang bagyong "Betty," na ikalawang bagyong pumasok sa Philippine area of responsibility ngayong 2023, ay nakikitang lalabas ng PAR pagsapit ng Huwebes ng gabi o Biyernes ng umaga. — James Relativo

BETTY

DAMAGE

NDRRMC

PAGASA

TYPHOON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with