Signal No. 2 nakataas pa rin sa Batanes, 'Betty' patuloy na humihina
MANILA, Philippines — Patuloy na humihina ang Typhoon Betty habang kumikilos nang mabagal sa dagat silangan ng Batanes, ayon sa pinakahuling taya ng PAGASA ngayong Miyerkules.
Sabi ng state weather bureau, bandang 4 a.m. kanina nang mamataan ang sentro ng bagyo 320 kilometro silangan ng Itbayat, Batanes.
- Lakas ng hangin: 120 kilometro kada oras malapit sa gitna
- Bugso ng hangin: hanggang 150 kilometro kada oras
- Direksyon: pahilaga hilagangkanluran
- Pagkilos: mabagal
"Typhoon BETTY is forecast to slowly accelerate today through tomorrow morning while moving generally northward over the waters east of Batanes, although some wobbling in its movement," wika ng PAGASA sa isang pahayag.
"Afterwards, the typhoon will turn more northeastward beginning tomorrow afternoon or evening. On the forecast track, the BETTY will exit the Philippine Area of Responsibility (PAR) tomorrow evening or on Friday early morning."
Nagbabadya ngayon ang mga "gale-force winds" sa ilang bahagi ng Pilipinas na nasa ilalim ng Tropical Cyclone Wind Signal no. 2, bagay na may potensyal na magdala ng "minor to moderate" na banta sa buhay at ari-arian.
Signal No. 2
- Batanes
Signal No. 1
"Minimal to minor threat" naman ang dala ng bagyo sa ilang lugar na nasa TCWS no. 1 sa ngayon. Kabilang na riyan ang mga sumusunod na lugar.
- Cagayan kasama ang Babuyan Islands
- hilaga at silangang bahagi ng Isabela (Santo Tomas, Santa Maria, Quezon, San Mariano, Dinapigue, Delfin Albano, San Pablo, Ilagan City, Benito Soliven, Tumauini, Cabagan, Palanan, Quirino, Divilacan, Gamu, Maconacon, Naguilian, Mallig)
- silangang bahagi ng Ilocos Norte (Piddig, Bangui, Vintar, Marcos, Pagudpud, Banna, Adams, Carasi, Dingras, Solsona, Dumalneg, Nueva Era)
- Apayao
- hilagang bahagi ng Kalinga (City of Tabuk, Balbalan, Pinukpuk, Rizal)
- hilagangsilangang bahagi ng Abra (Tineg, Lacub, Malibcong)
Posible naman ang 50-100 millimeter na accumulated rainfall mula ngayong araw hanggang Huwebes ng hapon: Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Abra at Benguet.
"Under these conditions, flooding and rain-induced landslides are possible, especially in areas that are highly or very highly susceptible to these hazard as identified in hazard maps and in localities that experienced considerable amounts of rainfall for the past several days," sabi pa ng PAGASA.
"The enhanced Southwest Monsoon will bring occasional to frequent wind gusts over Bicol Region, Western Visayas, Aurora, Quezon, the northern portion of mainland Palawan including Calamian and Cuyo Islands, Mindoro Provinces, Romblon, and the remaining areas of Ilocos Region and Cordillera Administrative Region that are not under any Wind Signal."
Tinatayang patuloy na hihina ang bagyo sa susunod na limang araw dahil sa mas malamig na tubig ng mga karagatan, dry air intrusion at pagtaas ng vertical wind shear.
Posibleng ibaba sa pagiging severe tropical storm na lang ang Typhoon Betty ngayong gabi o bukas ng umaga, hanggang sa maging tropical storm na lang sa Biyernes ng gabi o Sabado ng umaga.
- Latest