^

Bansa

DOH nagbabala vs mga 'kumakalat na sakit' tuwing El Niño

Philstar.com
DOH nagbabala vs mga 'kumakalat na sakit' tuwing El Niño
Hobbyist photographer Philip Darilay from Naga City, Camarines Sur captured golden images of the sunset on Saturday afternoon using a DSLR camera.
Photos courtesy of Philip Darilay

MANILA, Philippines — Nagpaalala ang Department of Health (DOH) pagdating sa mga naglilipanang sakit tuwing matinding tagtuyot dulot ng El Niño phenomenon, bagay na posibleng ianunsyo pinakamaaga sa Hunyo.

Ngayong buwan lang nang maglabas ng El Niño alert ang PAGASA, kung saan sinasabing nasa 80% ang posibilidad na magsisimula ito sa pagitan ng Hunyo hanggang Agosto at maaaring umabot sa 2024.

"Due to the extreme hotness in weather, scarcity of clean water, and frequent rains, herewith are the diseases that you may contact during El Nino," sabi ng DOH sa mga reporter ngayong Martes.

Ilan sa mga tinukoy ang mga sumusunod:

  • diarrhea
  • sunburns
  • fatigue, heat cramp/stroke
  • food poisoning, asthma, nausea, atbp. sakit dahil sa pagkonsumo ng pagkaing apektado ng "Red Tide"
  • cholera, typhoid fever, atbp. vector-borne diseases gaya ng dengue

Ayon sa PAGASA, tumataas ang tiyansa ng "below-normal rainfall conditions" tuwing may El Niño, bagay na may negatibong epekto gaya ng dry spell at drought sa ilang bahagi ng Pilipinas.

Sa kabila nito, makaaasa naman ng above-normal rainfall conditions ang mga nakatira sa kanlurang bahagi ng Pilipinas tuwing panahon ng Habagat (Southwest Monsoon).

Mga pwedeng gawin laban sa mga nasabing sakit

Nagbigay naman ng payo ang Kagawaran ng Kalusugan sa publiko kung paano maiiwasan ang heat stroke at heat exhaustion sa parating na El Niño. Kasama na riyan ang:

  • laging pag-hydrate at pag-inom ng tubig
  • pag-iwas lumabas sa pagitan ng 10 a.m. hanggang 3 p.m.
  • pagsusuot ng sunglasses, sunscreen at matitingkad na damit
  • pagdadala ng payong tuwing kinakailangang ma-expose sa araw

"To prevent the occurrence of Dengue, the DOH reminds the school administrations and as well as the public on the 5S Strategy," dagdag pa ng DOH.

"[This inclues s]earch and destroy mosquito breeding sites; uphold Self-protection like using insect repellents; Seek early consultation at the nearest health care facility; Support fogging, spraying, and misting in hot spot areas; and Sustain hydration."

Ang lahat ng ito ay nangyayari kahit na inaasahan ang pagsisimula ng tag-ulan (wet season) sa pagitan ng huling buwan ng Mayo hanggang kalagitnaan ng Hunyo— James Relativo

DEPARTMENT OF HEALTH

DISEASES

EL NINO

ILLNESSES

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with