4 UP alumni, dinukot ng mga armado
MANILA, Philippines — Nagpahayag ng pagkabahala ang pamunuan ng apat na unibersidad ng University of the Philippines sa Maynila, Baguio, Cebu at Visayas dahil sa pagkawala ng kanilang alumni na sinasabing dinukot ng armadong grupo.
Pinaghahanap ng UP sina Gene Roz Jamil “Bazoo” De Jesus at Dexter Capuyan na pawang alumni ng UP Baguio at ang dating UP Manila student Patricia Cierva.
Sinasabing si Cierva ay dinala ng mga miyembro ng 501st Infantry Brigade kasama ang aktibistang si Cedrick Casaño ngayong buwan.
Nanawagan ang UP Manila sa mga kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na tiyaking ligtas na makakauwi sa kanilang mga pamilya si Cierva at Casano.
Umaasa naman ang UP Baguio na mahahanap ng mga otoridad sina De Jesus at Capuyan na nawawala noon pang Abril. Si De Jesus ay graduate sa UP Baguio noong 2016 habang si Capuyan ay mag-aaral dito noong 1980s.
Umaasa ang pamunuan ng UP na matutulungan sila ng pamahalaan na matagpuan ang kanilang mga nawawalang alumni.
- Latest