^

Bansa

Arroyo itinangging may ‘basbas’ ng First Lady ang kudeta sa Kamara

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Itinanggi ni dating pa­ngulo at Pampanga Rep. Gloria Arroyo na naloko o “nauto” siya ng isang kongresista sa pag-aakalang may basbas at suportado umano ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang planong kudeta sa Kamara.

Sa kanyang facebook post, humingi naman ng paumanhin ang kongresista dahil nakakaladkad ang Unang Ginang sa tinawag nitong ‘political fantasy of a House coup’ na isang kawalang galang sa First Lady at sa kanyang katalinuhan.

Iginiit naman ni Arroyo na kung sinuman ang nagpapakalat ng maling alingawngaw ay siyang nanloloko sa mga Filipino, at dapat na rin silang mag-move-on sa seryosong usa­pin para magkaroon ng positibong kontribu­syon sa pag-unlad ng bansa.

Aminado naman ang dating pangulo na walang kudeta sa Kamara na nagtatagumpay kung walang basbas ng Pangulo.

Iginiit din ni Arroyo na mayroon siyang kontribusyon sa pagbuo ng UniTeam, ang grupo nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte noong 2022 elections.

“Thus, I would never take any action to destroy it,” sabi pa ng dating Pa­ngulo, na naging Speaker matapos ikudeta si Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez noong 2018.

“Third, I did not have any conversation, here or abroad, with any congressman or congresswoman, or any other politician active or retired, to plot, support, encourage or participate in any way in any alleged House coup,” dagdag pa ng dating Pa­ngulo.

Matatandaang pinalitan si Arroyo bilang senior Deputy Speaker ni Pampanga Rep. Aurelio Gonzales Jr. sa gitna ng balitang kudeta.

GLORIA ARROYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with