^

Bansa

Gamiting ayuda P18-B calamity fund sa magsasaka bago tumama 'Mawar' — KMP

James Relativo - Philstar.com
Gamiting ayuda P18-B calamity fund sa magsasaka bago tumama 'Mawar' — KMP
Farmers in Tabuk, Kalinga take advantage of the good weather, as they transplant rice seedlings on paddies on Thursday (July 21, 2022).
STAR/Andy Zapata

MANILA, Philippines — Hinahamon ngayon ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas ang gobyerno na lumikom na agad ng pondo para makapagbigay ng pre-disaster financial assistance at food packs sa mga pamilyang maaapektuhan ng Super Typhoon Mawar (international name).

Ngayong Biyernes ng umaga nang mamataan ang bagyo 1,705 kilometro silangan ng Timogsilangang Luzon, ayon sa pinakahuling ulat ng PAGASA. Tatawagin itong "Betty" pagpasok nito ng Philippine area of responsibility mamayang gabi o Sabado ng umaga.

Matatandaang niragasa nang husto ng Super Typhoon Mawar ang Guam, isang teritoryong iniwan ng bagyong halos walang kuryente at tubig

"Preemptive activities are urgent and necessary but advisories are not enough. The national government can make use of a portion of the remaining P18.3-billion Calamity Fund while the Department of Agriculture (DA) and other NGAs can utilize their Quick Response Fund (QRF) allocated to regions to provide farmers and fishers with pre-disaster financial assistance," ani KMP chairperson Danilo Ramos.

"Specifically, farmers and fishers in extreme Northern Luzon, Cagayan, Bicol, and several parts of Visayas and Mindanao need assistance where BettyPH will tread based on meteorological forecasts."

Ipinagtataka ngayon ng gobyerno nina Marcos kung bakit "lampas kalahati" na ng 2023 calamity fund ngayong ikalawang bagyo pa lang ng taon. Halos 20 bagyo kasi ang pumapasok na bagyo sa Pilipinas kada taon, ayon na rin sa PAGASA.

Mayo lang nang sabihin ng Department of Budget and Management na meron pa itong P21.5 bilyong natitirang calamity fund. Umabot na rin sa daw P1.68 bilyon ang calamity fund releases mula Enero hanggang Abril.

Una nang pinayuhan ng mga local government units ang mga magsasaka ng palay sa Cagayan, na tinatayang tatamaan ng malalakas na ulan dahil sa bagyo, na agad nang anihin ang kanilang maturing crops at gamitin ang kanilang post-harvest facitilies para maiwasan ang matitinding pinsala.

"Not all farmers have the means to harvest their crops early -- they need support and need to get reasonable prices for their crops. In Albay, the latest palay farmgate price is at P17.80 per kilo for fresh palay which farmers harvested early and sold to traders," pagtatapos ni Ramos.

Paghahanda ni Marcos, LGUs

Kanina lang nang sabihin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na lagi nilang kausap ang kanilang local counterparts sa mga LGU ngayon, lalo na sa Hilagang Luzon, habang naghahanda ang Pilipinas sa malalakas na hangin at ulan dulot ni "Mawar."

Aabot na sa 7,970 military personnel, 4,242 Citizen Armed Force Geographical Unit militia members, at 180 reservists na ang nakatalaga bilang first responders sa ngayon bilang paghahanda sa bagyo, sabi pa ng Presidential Communications Office.

Naghanda na rin daw ang militar ng nasa 2,518 land vehicles, 20 eroplano, at 265 bangka para agad makatugon sa sakuna.

Nakahanda na rin daw ang mga LGU sa Metro Manila kaugnay ng bagyo, ayon kay Metropolitan Manila Development Authority acting chair Don Artes. Mino-monitor na rin daw ng mga desiaster response units ang mga lugar na madalas bahain kahit na walang ulan bgaya na lang ng Marikina, ilang parte ng Quezon City at Mandaluyong.

FARMING

FINANCIAL AID

FISHERFOLK

KILUSANG MAGBUBUKID NG PILIPINAS

MAWAR

PAGASA

SUPER TYPHOON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with