^

Bansa

'Mawar' supertyphoon uli; Cagayan Valley, Extreme Northern Luzon tinutumbok

James Relativo - Philstar.com
'Mawar' supertyphoon uli; Cagayan Valley, Extreme Northern Luzon tinutumbok
Huwebes nang 3 a.m. nang mamataan ang bagyo 2,150 kilometro silangan ng Timog Luzon. Tatawagin itong bagyong "Betty" kung sakaling pumasok ito sa Philippine area of responsibility sa Biyernes ng gabi o Sabado ng umaga.
Joint Typhoon Warning Center

MANILA, Philippines — Lumakas uli ang dating Typhoon Mawar (international name) at bumalik sa pagiging supertyphoon, ito habang hindi inaalis ng PAGASA ang posibilidad na magtaas ng Tropical Cyclone Wind Signal pagsapit ng Sabado.

Huwebes nang 3 a.m. nang mamataan ang bagyo 2,150 kilometro silangan ng Timog Luzon. Tatawagin itong bagyong "Betty" kung sakaling pumasok ito sa Philippine area of responsibility sa Biyernes ng gabi o Sabado ng umaga.

  • Lakas ng hangin: 185 kilometro kada oras malapit sa gitna
  • Bugso ng hangin: hanggang 230 kilometro kada oras
  • Pagkilos: 15 kilometro kada oras
  • Direksyon: kanluran hilagangkanluran

"Pagsapit po ng weekend, Sabado at linggo... unti-unti itong magkakaroon ng epekto sa ating bansa. Sa paglapit nito sa ating kalupaan, posible na itong magdala ng matataas na pag-alon over the eastern seaboards of the country at unti-unti rin pong magpapalakas ng Habagat or southwest monsoon," ani DOST-PAGASA weather specialist Benison Estareja kaninang umaga.

"Hindi rin natin inaalis 'yung possibility po na lumapit pa sa Cagayan Valley, sa may extreme northern Luzon 'yung sentro o 'yung mata mismo nitong si supertyphoon Mawar pero hindi natin inaalis 'yung possibility na umakyat ito bahagya o hindi na ito tatama directly sa ating kalupaan."

Posibleng maabot ang peak intensity ng bagyo sa Sabado, kung saan nakikitang aabot ito ng maximum sustained wind na 215 kilometro kada oras.

Wala pa naman itong direktang epekto sa ngayon sa kalupaan ng Pilipinas ngunit tinatayang magkakaroon ng mga pag-ulan ngayong umaga sa kanlurang bahagi ng Timog Luzon, Visayas at Mindanao dulot ng southwesterly windflow.

Tinatayang mananatili ito supertyphoon hanggang Biyernes ngunit magiging malayo sa kalupaan sa susunod na dalawang araw.

Pagpapalakas ng Habagat

Kahit malayo pa, maaaring magpalakas ng Habagat ang sama ng panahon. Sinasabing pwedeng ma-trigger ang monsoon rains sa kanlurang MIMAROPA, Visayas at Mindanao sa Biyernes at Sabado. Sa kanlurang bahagi ng Luzon at Visayas naman ito simula Linggo.

"Posibleng humina nang bahagya ito into a typhoon paglapit nito sa Extreme Northern Luzon pero malakas pa rin po ito na bagyo at posible pa ring magdala ng malalakas na hangin at pag-ulan over most of Northern and Central Luzon habang sasamahan naman ng Habagat... over the rest of the country," patuloy ni Estareja.

"'Yung rainbands, o 'yung dulong bahagi po ng bagyo... maaaring makaapekto sa Cagayan Valley so makakaranas rin po sila ng moderate to intense na pag-ulan over the weekend hanggang sa Monday kung saan pinakamalapit po itong si bagyong 'Betty.'"

"At hindi po natin inaalis ang possibility na magtaas ng Tropical Cyclone Wind Signal o babala sa hangin as early as Sabado ng madaling araw pagpasok ni 'Betty' sa ating PAR."

BETTY

CAGAYAN VALLEY

EXTREME NORTHERN LUZON

MAWAR

PAGASA

SUPERTYPHOON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with