Mga pulis pantalan sa Zamboanga sinanay sa mga bomba
MANILA, Philippines — Upang magarantisa ang proteksyon ng mga biyahero at pasilidad sa pantalan, isinailalim sa limang araw na Explosive Ordnance Reconnaissance Agent course ang Port Police Division (PPD) ng Port Management Office (PMO) ng Zamboanga.
Tinuruan ang may 32 kalahok ng explosive identification, bomb threat management, post blast investigation, searching of bomb explosives, at field training exercise bilang culmination activity.
Isinagawa ito mula Mayo 15-19, 2023.
Winakasan ang closing ceremony sa pamamagitan ng tradisyonal na paglalagay ng EORA Badge na nilahukan ng PPD-Explosive Ordnance Disposal (EOD), Philippine Coast Guard-EOD, PCG K-9 at Philippine National Police EOD-K9.
- Latest