'Dahil sa pagkalugi': ABS-CBN ititigil na operasyon ng TeleRadyo sa June 30
MANILA, Philippines — Inanunsyo ng ABS-CBN ngayong Martes ang napipinto nilang pagtigil sa operasyon ng TeleRadyo buhat ng "financial losses" — ito tatlong taon matapos mawala sa free TV at free radio dahil sa non-renewal ng kanilang prangkisa.
"TeleRadyo has been incurring financial losses since 2020. Since ABS-CBN can no longer sustain TeleRadyo’s operations, ABS-CBN is left with no choice but to cease the operations of TeleRadyo effective 30 June 2023 to prevent further business losses," sabi ng kumpanya sa isang pahayag sa Philippine Stock Exchange.
"The company is deeply saddened by this closure and having to part ways with the many passionate and committed people who have made Teleradyo an important source of news and information for many Filipinos."
READ: ABS-CBN to cease TeleRadyo’s operations after incurring financial losses since 2020.
— BusinessWorld (@bworldph) May 23, 2023
[via @jdtabile on Twitter] pic.twitter.com/6WPttHjPsm
Dati nang ginagamit ang TeleRadyo, isang Philippine pay television channel sa ilang cable providers sa Pilipinas, habang nagsa-simulcast ng programa sa dating AM radio station na DZMM 630.
Saglit itong nawala sa ere noong ika-5 ng Mayo, 2020 dahil sa cease-and-desist order ng National Telecommunications Commission sa ABS-CBN channel 2, S+A, at MOR Philippines
Ipinagpatuloy nito ang operasyon nito noong ika-8 ng Mayo 2020 para ihatid pa rin ang mga dating programa ng DZMM. Hunyo 2021 nang simulan nito ang isang high-definition feed sa YouTube at Facebook kapag bino-broadcast ang ilang palabas sa Kapamiulya Channel at The Filipino Channel.
Joint venture, papasukin
"However, intending to find ways to continue providing news to the public, ABS-CBN is entering into a joint venture with Prime Media Holdings Inc. The new company will produce various programs, which will be supplied to broadcasters and other 3rd party platforms including Philippine Collectivemedia Corporation," patuloy ng ABS-CBN sa pahayag.
"Under the agreement, ABS-CBN will have a minority stake in the joint venture, and Prime Media Inc. will be the majority stakeholder. This gives some of our former personnel a chance to find job opportunities. It is also a way to continue providing accurate and balanced news and information to the country."
Libu-libo ang nawalan ng trabaho sa pagkawala noon ng ABS-CBN sa free television. Dati nang sinabi ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong Agosto 2018 na hindi niya ipapa-renew ang legislative franchise ng kumpanya.
Dati nang nagalit noon si Duterte sa Kapamilya Network dahil sa hindi pag-ere ng ilan sa kanyang political ads noong tumatakbo pa sa pagkapresidente noong 2016 kahit na bayad na. Ipinaghingi na ito ng tawad ng presidente ng ABS-CBN na si Carlo Katigbak.
Nakikita ng ilang media rights organizations gaya ng National union of Journalists of the Philippines AlterMidya na "pagpatay sa demokrasya" ang pagkitil sa prangkisa ng kumpanya, bagay na atake raw sa kalayaan sa pamamahayag at karapatan ng publiko sa impormasyon.
Enero 2022 lang nang ilipat sa Advanced Media Broadcasting System (AMBS) ni dating Sen. Manny Villar ang mga dating frequencies ng ABS-CBN.
Maliban sa online platforms, ipinapalabas ngayon ang ilang programang gawa ng ABS-CBN sa ibang free television networks gaya ng A2Z at TV5. — may mga ulat mula sa BusinessWorld
- Latest