^

Bansa

Sunog sa Manila Central Post Office idineklarang 'fire out' matapos mahigit 30 oras

James Relativo - Philstar.com
Sunog sa Manila Central Post Office idineklarang 'fire out' matapos mahigit 30 oras
Firefighters respond to a massive fire razing the iconic Manila Central Post Office building in Manila on May 22, 2023.
The STAR/Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Muntikang umabot ng dalawang araw bago tuluyang naapula ang sunog na tumupok sa gusali ng Manila Central Post Office sa Maynila — ito matapos ideklara ang "fire out" sa makasaysayang lugar ngayong Martes ng umaga.

Linggo pa nang gabi nang magsimulang lamunin ng apoy ang 97-taong-gulang na gusali. Tinatayang nasa P300 milyong halaga ng pinsala na sa ngayon ang naitatala.

"A reported General Fire Alarm at the Post Office Manila which occurred at around 11:41 PM on 21 May 2023, was declared Fire Out at 06:33 AM, today," banggit ng Bureau of Fire Protection-National Capital Region Manila Fire District Public Information Services sa Facebook Martes ng umaga.

Ayon sa state-run PTV4, umabot sa 18 katao ang sugatan bunga ng insidente, kung saan 16 dito ang mga miyembro ng BFP, isang volunteer, at isang sibilyan.

Sa panayam ng CNN Philippines kay Philippine Postal Corporation Postmaster General Luis Carlos, sinasabing napag-alaman na ng mga otoridad kung saan nagsimula ang naturang sunog.

"What BFP has is that they know where it came from... They spotted that area already. It's on the southside basement area which is near the Jones Bridge area," ani Carlos kanina.

"But to the effect of what's the cause [of the fire]? I am not in the position [to speculate]. I'm waiting for that final report of the Bureau of Fire [Protection]."

"Mukhang walang natira. It's from the ground floor all the way up."

Ikinalungkot ng mga heritage advocates ang naturang insidente, lalo na't idineklara nang Important Cultural Property ang lugar noong 2018. Panawagan tuloy ngayon ng Renacimiento Manila, agad ma-restore sa dati nitong ganda ang istruktura.

Ang Manila Central ost Office Building ay isang neo-classical structure na dinesenyo pa ng arkitektong si Tomas Mapua at Juan Marcos de Guzman Arellano kasama ang Amerikanong si Ralph Doane noong 1925. Natapos ito noong 1926 at pormal na binuksan sa publiko noong 1927.

Matatandaang nasira ito noong World War II noong 1945 ngunit naitayo rin isang taon matapos nito.

Pinakalma naman ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan ang publiko matapos kumalat ang haka-hakang mapapalitan ng ibang gusali ang Manila Central Post Office. Protektado raw ito ng zoning ordinance ng Maynila at merong Important Cultural property Status. 

Usap-usapan kasi sa ngayon sa social media na "sinadya" ang naturang sunog upang magbigay-daan para sa panibagong "high-rise private" o commercial building.

Tiniyak naman ng Philippine Statistics Authority na agad mapapalitan ng PSA nang walang bayad ang mga PhilIDs na naapektuhan sa apoy. Una nang sinabi ng Philippine Postal Corporation na naapektuhan ng sunog ang mga IDs na nakatakda nang i-deliver sa Lungsod ng Maynila.

BUREAU OF FIRE PROTECTION

FIRE

MANILA CENTRAL POST OFFICE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with