^

Bansa

National Post Office itayo muli, P13 bilyong contingent fund gamitin

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — “Historical landmark must rise from the ashes!”

Ito ang binigyang diin ni House Deputy Speaker at 1st District Batangas Rep. Ralph Recto na ikinalungkot ang pagkaabo ng National Post Office Building matapos itong matupok ng apoy sa sunog sa lungsod ng Maynila nitong Lunes.

Sinabi ni Recto na kailangang pabilisin at hindi tulad ng mabagal na paghahatid ng sulat ang pagtatayong muli sa gusali ng National Post Office na matatagpuan sa Liwasang Bonifacio.

Ayon kay Recto, kapag kumatok sa Palasyo ng Malacañang para humingi ng tulong ang mga postmen ay dapat hindi na umabot pa sa dalawang katok at tugunan ito kaagad.

“Pwede pagkunan ang P13 billion Contingent Fund, which is the national emergency fund, which the President controls. Nandiyan din ang NDRRMC or Calamity Fund, which has a beginning 2023 available balance of P19.03 billion. The fire which hit this national historical landmark is undoubtedly a certifiable disaster,” ani Recto sa mga posibleng pagkunan ng pondo para itayo muli ang NPO.

Sa ilalim ng Republic Act (RA) 10066, ang National Cultural Heritage Act of 2009 o ang mga historical landmark, sites o mga monumento sa bansa ay entitled sa prayoridad sa pagpapalabas ng pondo ng gobyerno para sa proteksiyon, konsebasyon at pagpapanatili.

“Hindi kaya ng pondo ng Philippine Postal Corporation ang pagbangon. In 2020, net surplus nito ay negative P240 million, lugi pa. Noong 2021, nakapagtala ng positive net surplus na P106 million, kulang pa rin,” paliwanag niya.

Ang nasabing post office ay itinayo noong 1926 na isa sa pinakamatanda at pinaka ‘iconic structures’ sa Pilipinas na malaking parte na ng kasaysayan at nalagpasan na ang maraming kalamidad lalo na ang digmaan sa Maynila noong World War II.

Related video:

HISTORICAL

NPO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with