^

Bansa

Performance ng 145 alkalde, kinilala sa RPMD survey

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

CEBU, Philippines —  Kinilala ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) ang performance ng mga alkalde sa bansa sa pamamagitan ng “Boses ng Bayan” survey sa 10,000 rehistradong botante mula sa lahat ng lungsod.

“The study scrutinized the effectiveness of City Mayors across seven crucial categories, including service delivery, financial stewardship, economic progress, leadership and governance, environmental management, social services, and public engagement”, ayon kay Dr. Paul Martinez, Executive Director ng RPMD.

Ang “Boses ng Bayan” survey na kasama ang 145 City Mayors sa Pilipinas, ay nagbigay ng malawak na pagtingin sa kahusayan ng pamumuno sa buong kapuluan.

Nangunguna sa mga ito bilang pinakamahusay na Alkalde ng Lungsod sa Pilipinas para sa unang quarter si Joy Belmonte ng Quezon City, na may kahanga-hangang markang 94.35%.

Nakasama rin sa mga natatanging lider sina Eric Singson ng Candon (92.80%), Nacional Mercado ng Maasin (90.26%), Art Robes ng San Jose Del Monte (89.75%), Jonas Cortes ng Mandaue (88.89%), Denver Chua ng Cavite (88.85%), Indy Oaminal ng Ozamis (88.78%), at Samsam Gullas Jr. ng Talisay (88.35%).

Nagbigay rin ng malaking ambag sa mahusay na pamamahala sina Bambol Tolentino ng Tagaytay (88.29%), Ahong Chan ng Lapu-Lapu (88.18), Eric Africa ng Lipa (88.13%), Benjamin Magalong ng Baguio (87.82%), Jay Diaz ng Ilagan (87.69%), Geraldine Rosal ng Legaspi (87.55%), at Sheena Tan ng Santiago (87.42%).

Nasa 6-8 na puwesto sina Albee Benitez ng Bacolod (83.77%), Pat Evangelista ng Kidapawan (83.57%), Bruce Matabalao ng Cotabato (83.16%), Jerry Trenas ng Iloilo (82.94%), Darel Uy ng Dipolog (82.85%), Sitti Hataman ng Isabela (82.34%), Baste Duterte ng Davao (82.11%), Bullet Jalosjos ng Dapitan (81.92%), Joe Relampagos ng Panabo (81.83%), at Roxanne Pimentel ng Tandag (80.10%).

RPMD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with