^

Bansa

‘No permit, no exam’ policy dinepensahan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
âNo permit, no examâ policy dinepensahan
Ayon kay Kristine Carmina Manaog, legal counsel ng Coordinating Council of Private Educational Associations of the Philippines (Cocopea), paraan ang naturang polisiya para hindi maipon ang utang na kanilang mga estudyante, at para magpatuloy ang operasyon ng mga paaralan.
Pixabay

MANILA, Philippines — Dinepensahan ng isang grupo ang umiiral na “no permit, no exam” policy sa maraming pribadong paaralan sa bansa.

Ayon kay Kristine Carmina Manaog, legal counsel ng Coordinating Council of Private Educational Associations of the Philippines (Cocopea), paraan ang naturang polisiya para hindi maipon ang utang na kanilang mga estudyante, at para magpatuloy ang operasyon ng mga paaralan.

Ang “no permit, no exam” policy ay “preventive measure na hindi tayo aabot sa punto na nag-a-accumulate ‘yung utang or bayarin ng ating students,” aniya.

Dagdag ni Manaog, ito ay para masigurado ang regular na cash flow sa mga eskuwelahan lalo’t hindi naman aniya pinopondohan ng gobyerno ang kanilang operasyon.

“Nakadepende lang po kami sa maagap na pagbayad ng tuition,” wika niya.

Ibinahagi niya ang isang pag-aaral nila na nagpapakitang kung hindi maipatutupad ang panukalang “no permit, no exam policy”, ang “current collectibles” ng ilang paaralan ay makasusustento sa kanilang operasyon ng hanggang pitong buwan lamang.

“Ayon sa pag-aaral namin, if napatupad itong “no permit, no exam” bill... ang aming collectibles ay kaya lang kaming matustusan o kaya lang naming mag-survive for the next two months,” ani Manaog.

“Ganun ka-vulnerable and sensitive ang financial capabilities and status ng ating private schools, na if mawawala ‘yung ganung effective means for us to promptly collect and if mawala yung sense of urgency or moral compulsion to pay on time, yun ang kalalabasan ng ating private education sector.”

“Makikita natin na in a matter of few months, isa-isa po silang magsasara,” sabi ni Manaog.

Nitong Mayo, inaprubahan ng mga mambabatas sa Kongreso ang panukalang batas na nagbabawal sa implementasyon ng “no permit, no exam” policy.

COCOPEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with