^

Bansa

Full insurance sa magsasaka sa oras ng kalamidad, isinulong ni Bong Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inihain ni Senator Christopher Lawrence “Bong” Go ang isang panukalang batas na naglalayong bigyan ng agarang tulong pinansyal ang mga magsasaka o agrarian reform beneficiaries (ARBs) sakaling magkaroon ng natural na kalamidad.

Iginiit ng senador ang pangangailangang tutukan ng pamahalaan ang pagpapabuti ng katatagan ng sektor ng agrikultura at bawasan ang epekto ng mga natural na kalamidad sa mga magsasaka at komunidad sa kanayunan

Ani Go, ang mga Pilipinong magsasaka na nagpapakain sa bansa ay hindi maiiwasang maharap sa masamang epekto ng mga kalamidad na hindi nila kontrolado, kagaya ng mga bagyo at pagsalakay ng mga peste sa pananim na humahantong sa pagkalugi.

Layon aniya ng panukalang batas na tulungan ang mga benepisyaryo ng repormang agraryo sakaling magkaroon ng mga natural na kalamidad upang sila ay makabangon sa pamamagitan ng pagbibigay ng full insurance sa pananim ng kuwalipikadong magsasaka.

Kung magiging batas, ang Senate Bill No. 2118 na mag-aamyenda sa Republic Act No. 6657 o Comprehensive Agrarian Reform Law of 1998, na pinalakas ng RA 9700, ay magkaloob ng buong crop insurance coverage sa mga ARB.

Kaugnay nito, naghain din siya ng SBN 2117 na naglalayong palawakin ang serbisyo ng Philippine Crop Insurance Corp. (PCIC) at hikayatin ang partisipasyon ng pribadong sektor sa segurong pang-agrikultura.

Binanggit niya na mula 2010 hanggang 2019, umabot sa P463 bilyon ang pinsalang natamo dahil sa mga natural na kalamidad, kung saan ang agrikultura ang may pinakamalaking pagkasira na may 62.7 porsiyento o P290 bilyon, ayon sa Phi­lippine Statistics Authority.

Si Sen. Go ay patuloy na nagsusulong ng pagpapalakas ng sistema ng suporta sa agrikultura at imprastraktura.

Isa siya sa mga may-akda ng Republic Act No. 11901, na nagpapalawak ng sistema ng pagpopondo sa agrikultura, pangisdaan, at pag-unlad sa kanayunan.

LAWRENCE “BONG” GO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with