OFW patay habang naglilinis ng bintana sa Hong Kong; ayuda tiniyak sa naulila
MANILA, Philippines — Tiniyak ni Migrant Workers Secretary Susan Ople sa naulilang pamilya ni "Lyn," ang overseas Filipino worker na namatay sa pagkahulog sa paglilinis ng bintana ng amo, na magtutulungan ang gobyerno ng Pilipinas at Hong Kong para siguruhing 'di na mauulit ang ganito.
Martes lang nang kumpirmahin ng Philippine Consulate sa HK na nahulog mula sa 18-floor apartment ang 38-anyos na Pinay. Ito'y kahit na "banned" ang pagpapalinis ng labas ng bintana para sa mga domestic helper na nasa mataas na gusali.
Huwebes nang gabi lang daw nang makausap ni Ople si Secretary for Labour and Welfare Chris Sun kung saan sinuguro ng hiling magbibigay sila ng tulong para sa naulilang pamilya ng babae sa Pilipinas.
"We will extend full assistance and support to her bereaved family while working closely with Secretary Chris Sun and his department to ensure that the principle of ‘safety above all else’ is carried out as part of employers’ obligations," ani Ople kanina.
"Secretary Sun and I discussed the need to remind employers of foreign domestic workers in Hong Kong about the prohibition in the standard employment contract on window-cleaning which has been in effect since 2017."
Ipinaabot din daw ni Secretary Sun kay Ople na labis siyang nalulungkot sa malagim na pagkamatay ng OFW.
Pinapayagan lang ang paglilinis ng mga ganitong binatana kung may grills ang mga ito at kung kamay lang ang ilalabas, aon sa HK-approved standard employment contract para sa mga Filipino domestic workers.
Lumalabas na merong 211,514 Pilipino ngayon sa naturang Special Administrative Region ng People's Republic of China. Sa bilang na 'yan, 181,067 ang kasambahay ayon sa Immigration Authority ng Hong Kong government. — may mga ulat mula kay Kaycee Valmonte
- Latest