^

Bansa

Unang high-powered hybrid rocket ng Pinas, paliliparin sa kalawakan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakatakdang paliparin­ sa kalawakan ang kauna-unahang high-power hybrid rocket na ginawa sa Pilipinas.

Sa pahayag ng Philip­pine Space Agency (PhilSA­), masasaksihan ang laun­ching­ ng TALA Hybrid Rocket sa Crow Valley sa Capaz, Tarlac sa pagitan ng May 19 at 21.

Nilikha ito ng mga space technology researchers­, mga estudyante, at kani­lang mga pro­pesor mula sa St. Cecilia’s College-Cebu.

Ilan sa mga taglay nitong high tech features ay ang flight sensors, GPS, dual parachute, at payload system na kayang magdala ng mga can sate­lite hanggang five kilometer sa atmosphere.

Kapag naipadala sa kalawakan, gagamitin­ ang can satelight sa panga­ngalap ng environmental data sa bansa na makakatulong sa mga siyentipiko.

Naunang nakaplano ang launching ng TALA Hybrid Rocket noong March 2020 sa Mati City Airport, Davao Oriental subalit hindi natuloy dahil sa pandemya.

Noong 2022, nagtulong-tulong ang PhilSA, TALA Team at Philippine Air Force Research and Development Center para sa muling pagpapalipad ng naturang rocket.

PHILSA

TALA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with