^

Bansa

Kakapusan sa suplay ng sibuyas, nagbabadya

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Kakapusan sa suplay ng sibuyas, nagbabadya
A vendor in public markets in Marikina City arranged his white onion produce, which he sold for P380 per kilo on August 12, 2022
STAR/Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Aabutin na lamang nang hanggang sa buwan ng Setyembre ang suplay ng puting sibuyas habang hanggang Nobyembre na lamang ang suplay ng pulang sibuyas, ayon sa pahayag ng Bureau of Plant Industry (BPI)

Gayunman, sinabi ni BPI spokesperson Jose Diego Roxas na ang projection na ito ay maaari namang magbago .

Idinagdag pa nito na kakailangan ang importasyon ng sibuyas kung kailangan ng bansa ang dagdag na suplay para punan ang demand ng produkto at tuloy hindi tumaas ang presyo nito sa merkado .

“Possible naman mabago ang pagtaya.Kung mag-i-import man, augmentative lang. Pandagdag lang sa kakulangan o pampuna sa kakulangan.Para mag-stabilize ‘yung presyo pati ang supply,”sabi ni Roxas.

Niliwanag naman ni Roxas na sa ngayon ay hindi pa napapagdesisyunan ang tungkol sa pag-iimport.

Nauna nang sinabi ng ilang grupo na aabutin na lamang ang suplay ng puting sibuyas sa Hulyo kayat kailangan ang importasyon para punan ang inaasahang pangangailangan sa dagdag na suplay.

Sa ngayon ang lokal na puting sibuyas at pulang sibuyas ay naibebenta sa pagitan ng P180 hanggang P200 per kilo. Ang kasalukuyang farm gate ng sibuyas ay P120 kada kilo.

Ayon kay Rocas ang inimportang sibuyas noong Enero ay naubos na sa ngayon.

Nakikipag-ugnayan na ang Department of Agriculture sa mga stakeholders para dito.  

SIBUYAS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with