Tuition hike sa SUCs, nagbabadya
MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ng Commission on Higher Education (CHED) na ilang state universities and colleges (SUCs) ang nagpaplanong magtaas ng kanilang tuition fee ngayong taon.
Ito, ayon kay CHED Chairman Prospero de Vera III, ay bunsod na rin nang pagtatapos ng limang taong moratorium sa tuition fee increase sa mga SUCs.
Ani De Vera, may ilang SUCs na ang sumulat sa CHED at nagpaabiso hinggil sa planong tuition hike.
Gayunman, kailangan pa aniya ng CHED na impormahan hinggil dito ang Department of Budget and Management (DBM).
Paliwanag ni De Vera, kailangan pang maipasok ang tuition adjustments sa national budget.
- Latest