^

Bansa

Import tax breaks sa e-motorcycles tututukan sa pagrepaso ng EO 12 – NEDA

Philstar.com

MANILA, Philippines – Ang pagbibigay ng insentiba para sa mga e-motorcycle ang magiging sentro ng nakatakdang rebyu ng Executive Order No. 12 series of 2023, siyam na buwan mula ngayon, saad ng isang opisyal ng ekonomiya.

Ayon kay National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan, sa kadahilanang parte ng mandato ng ahensiya ang pagrebyu sa mga executive issuances, tututukan umano nila ang posibleng pagsasama sa mga two at three-wheeled electric vehicles sa listahan ng mga nabigyan ng import tariff exemption.

Sinabi ito ng kalihim matapos ang lumalakas na panawagan ng mga prominenteng personalidad na bigyan ang lahat ng uri ng EV ng tax break.

Isinapubliko ang EO12 sa Official Gazette noong January 19 at naging epektibo noong February 20, at sisimulan ang nakatakdang rebyu sa February 21, 2024, o siyam na buwan mula ngayon.

Sa ilalim ng EO12, ilang uri ng electric vehicles at mga piyesa nito ang nabigyan ng mas mababang taripa na kung dati ay mayroong 5% 30% import tax, ngayon ay wala na. Ang mga e-motorcycle ay hindi napasama dito at mayroon pa ring 30 porsiyentong taripa.

Noong Nobyrembre 2022, sinabi ni Balisacan sa isang Palace briefing na inendorso ng NEDA board ang bersiyon ng EO na minomodipika ang taripa ng EV, kasama na rito ang mga e-motorcycle.

"We want to encourage the use e-vehicles because that will address pollution issues and our adaptation to climate change and we believe that's the future," saad ni Balisacan sa briefer.

"But more importantly, we want to be part of the value chain globally in this drive to get to this new industry, new growth drivers, and hopefully we develop our own industries and this reduction of tariff is part of the building up ecosystem," dagdag nito.

Una nang sinabi ng DTI na magiging bukas sa rebyu ang EO12 isang taon matapos ang implementasyon nito dahil nakasaad ito mismo sa mga probisyon nito.

Naniniwala si Stratbase ADR Institute President Dindo Manhit na ang rebisyon at pagsasama sa mga e-motorcycle sa insentiba ng tax break ay makakatulong sa mga Pilipino na lumipat sa paggamit ng mga EV at makatulong sa gobyerno sa pagkamit nito sa tinagurian nilang sustainable transportation.

Sinabi rin naman ng pangulo ng Electric Vehicle Association of the Philippines na si Edmund Araga na kahit tutol sila sa pagsasama sa mga e-jeepneys at e-tricycles sa EO, ang pagbibigay ng insentiba sa mga e-motorcycle ay makakatulong sa pagbuo ng lokal na industriya para rito at mas mapabilis ang paglipat sa mga EV.

ELECTRIC MOTORCYCLES

NEDA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with