^

Bansa

SWS: 51 percent pamilyang Pinoy nagsabing mahirap sila

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
SWS: 51 percent pamilyang Pinoy nagsabing mahirap sila
Agaw-pansin ang mga bata habang siksikang nakadungaw sa maliit na bintana ng kanilang bahay sa Delpan St., Binondo sa Maynila. Sa latest Social Weather Stations (SWS) survey, 51% o 14 milyong pamilyang Pinoy ang nagsabing mahirap sila.
Ernie Peñaredondo

MANILA, Philippines — Nasa 51% ng mga pamilyang Pinoy ang ikinukonsidera ang kanilang mga sarili bilang poor o mahirap, batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS) sa 1,200 Filipino adults mula Marso 26-29, 2023.

Nasa 31% naman ang nagsabi na sila ay borderline poor, habang 19% ang hindi mahirap.

Anang SWS, ang estimated na bilang ng self-rated poor families ay nasa 14 milyon noong Marso 2023, o pagtaas mula sa 12.9 milyon noong Disyembre 2022.

Mas maraming Pinoy sa Metro Manila at sa Visayas ang nagsabing sila ay mahirap noong Marso.

Nananatili namang statistically steady ang mga borderline poor sa MM mula sa 29%-26%.

Sa Balance Luzon ay nasa 30%-32% at sa Min­danao ay 30%-33%. Gayunman, bumaba ito sa Visayas ng mula 34%-26%.

Tumaas naman ang bilang ng mga pamilyang ikinukonsidera ang kanilang sarili na hindi mahirap.

Sinabi ng SWS na sa estimated 14 milyon na self-rated poor families noong Marso 2023, 1.8 milyon ang newly poor, 1.8 milyon ang usually poor, at 10.4 milyon ang always poor. — Angie dela Cruz

POOR

SWS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with