^

Bansa

Pangulong Marcos at King Charles nagpulong sa Buckingham Palace bago koronasyon

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Pangulong Marcos at King Charles nagpulong sa Buckingham Palace bago koronasyon
Masaya ang naging pagkikitang muli nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at King Charles III sa Buckingham Palace sa London bago ang koronasyon ng huli. Kasama ng Pangulo si First Lady Liza Marcos.

MANILA, Philippines — Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kay Charles III sa Buckingham Palace bago ang coronation ng British monarch.

Ibinahagi ng British Embassy sa Manila ang larawan nina Marcos at King Charles noong Biyernes ng gabi (UK time) sa isang reception para sa mga world leaders sa Buckingham Palace kung saan nakikipagkamay ang dalawang lider.

Ang Buckingham Palace Reception ay ginanap para sa mga lider ng mga Estado at iba pang bumibisitang mga dignitaries na kabilang sa 2,200 inimbitahan sa koronasyon ni King Charles.

Nauna nang sinabi ni Marcos Jr. na nagpasya siyang dumalo sa koronasyon dahil personal na kilala ng kanilang pamilya ang monarko sa loob ng mara­ming taon.

Nauna nang sinabi ni Philippine Ambassador to the United Kingdom Teddy Locsin Jr. na naglalaro ng polo sina King Charles at Marcos Jr. bago naluklok sa posisyon noong nakaraang taon matapos ang pagkamatay ng kanyang ina na si Queen Elizabeth II.

Ayon sa ulat, si Marcos Jr. ay unang ipinakilala sa royal family noong bata pa siya noong 1970, nang dalhin siya ng kanyang ina upang makipag-courtesy call kay Queen Elizabeth.

BUCKINGHAM PALACE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with