'Ramdam niyo ba?': Inflation rate bumulusok pababa sa 6.6% dahil sa pagkain
MANILA, Philippines — Malaking pagbagal ang naitala sa pag-akyat ng presyo ng mga bilihin sa buong Pilipinas nitong Abril sa 6.6%, ayon sa pinakabagong ulat ng Philippine Statistics Authority.
Malayo-layo ito kumpara sa 7.6% inflation noong Marso. Gayunpaman, mas mabilis pa rin 'di hamak ang inflation ngayon kaysa noong isang taon. Nasa 4.9% lang kasi ito noong Abril 2022.
Sa kabuuan, mas mabilis pa rin ang pagtaas ng presyo ng bilihin ngayon kaysa sa 2-4% target ng gobyerno.
"Headline inflation or the overall inflation in the Philippines slowed down further to 6.6 percent in April 2023 from 7.6%in March 2023," ayon sa pahayag ng PSA ngayong Biyernes.
"Among the 13 commodity groups, the downtrend of the overall inflation during the month was mainly brought about by the heavily weighted food and non-alcoholic beverages, which recorded a lower inflation rate of 7.9% from 9.3 in March 2023."
Pagdating sa overall inflation nitong Abril 2023, ang pangunahing nag-ambag ay ang Food and Non-Alcoholic Beverages na may 7.9 percent inflation at 45.3 percent share. @mapa_dennis #PHCPI #Inflation
— Philippine Statistics Authority (@PSAgovph) May 5, 2023
Sumunod na top contributor sa pagbagal ng inflation rate ang transport sa 2.6%, mula sa 5.3% nitong Marso. Sumunod dito ang "housing, water, electricity, gas and other fuels."
Nagkaroon din ng slowdown sa presyo ng pagkain sa pambansang antas sa 8% ngayong Abril kaysa sa 9.5% nitong Marso. Kahit bumababa ito, mas mataas pa rin 'yan nang husto kumpara sa food inflation noong April 2022 na nasa 4% lang.
Kahit malayong-malayo pa ngayon sa target ng gobyerno ang inflation, pasok ito sa forecast ng Bangko Sentral ng Pilipiinas na 6.3% hanggang 7.1%. Una nang naobserbahan ng BSP ang pagkalma ng presyo ng kuryente at mga pagkain.
Positibo pa rin naman ang National Economic and Devvelopment Authority na makakamtan ng Pilipinas ang target nitong 2% to 4% bago magtapos ang taon.
- Latest