^

Bansa

Pagtatayo ng malaking cruise ship port sa Bicolandia, isinulong

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hinimok ni Ako Bicol party list Cong. Elizaldy Co ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na tapusin ang pagtatayo ng International Cruise Ship Terminal sa Legaspi, Albay.

Kamakailan kasi dumaong ang isang cruise ship na galing pa sa Germany, lulan ng 200 turista, para masilayan ang Mayon Volcano at iba pang tourist attraction sa lugar.

Ayon kay Cong. Co, “pag natapos na ang International Cruise Ship Port sa Legaspi, tiyak dadayuhin ng mga cruise ship ang lugar”.

“More cruise ship coming means more tourist, siyempre maraming income at trabaho ang papasok”,  dagdag pa ni Co, chairman din ng House Appropriations Committee.

Ayon sa mambabatas, may inumpisahan na international port sa nasabing lugar pero hindi natapos dahil sa kakulangan sa budget.

Ani Cong. Co, “I urged DPWH to finished this project kasi ito ang isa sa mga programa ng BBM administration na palakasin pa ang turismo ng Pilipinas”.

Pagmamalaki pa ng mambabatas, maraming magandang tourist attraction sa Bicolandia, hindi lang ang Mayon Volcano, kundi mga Butanding at mga historical sites at iba pa.

DPWH

ELIZALDY CO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with